Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng KapayapaanHalimbawa

Pursuing Peace

ARAW 5 NG 7

Mapayapa sa Nakaraan   

Ang paghahanap ng kapayapaan sa nakaraan ay maaaring maging isang hamon, maging ito man ay isang desisyon na iyong pinanghihinayangan o pagpapatawad sa isang taong nagkasala sa iyo. Mahalaga na harapin mo ang iyong nakaraan upang ito ay hindi magkaroon ng kapangyarihan sa iyong kasalukuyan o sa hinaharap. Isipin mo na para lamang itong pagsakay ng bisikleta. Kung patuloy kang lilingon sa likuran, o titingin sa ibaba, hindi maiiwasang bubunggo ka sa isang bagay. Mahalagang patuloy na tumingin sa hinaharap at makipag-ugnayan sa mga bagong bagay na ginagawa ng Diyos.  

Isang mahalagang paraan upang makipag-ayos sa iyong nakaraan ay ang piliin ang kapatawaran. Kapag ika’y nagpatawad ng isang tao nakasakit sa iyo, hindi ito nangangahulugang sumasang-ayon ka sa mga nangyari. Bagkus, ito ay nangangahulugang binibigyan mo ng pahintulot ang iyong sarili na magsimulang muli sa iyong buhay. Ang iyong magandang nakaraan ay nakabubuti dahil sa dalawang mga bagay: upang matuto mula rito at upang tamasahin ang buhay na ibinigay ng Diyos.

Kawikaang Aprikano:

Kapag mayroong kapayapaan sa isang bansa, hindi nagdadala ng kalasag ang pinuno nito. ~Kawikaan sa Uganda

Ang kapayapaan at pagkakasundo ay isang proseso ng pagpapagaling kung saan ang Tearfund ay biniyayaang maging kabahagi. Narito ang isang kwento mula sa Rwanda tungkol sa kung papaano ang pagpapatawad ay nakapagpapagaling kahit pa ng pinakamalalim na mga sugat.

Aksyon: 

Mayroon bang mga pagkakataon kung saan nararamdaman mong nagdadala ka ng kalasag dahil sa kawalan ng kapayapaan? Kung malakas ang iyong loob, magtungo sa isang lokal na libingan at maglakad-lakad upang magkaroon ng pananaw tungkol sa nakaraan. Maraming lapida ang may nakalagay mula sa kanilang mga minamahal na “Rest in Peace”. Bigyan ng ilang oras ang iyong sarili upang magpaubaya sa Diyos at magkaroon ng kapayapaan sa iyong sarili kung ika'y mayroong mga panghihinayang o mga hindi mapatawad sa nakaraan. 

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Pursuing Peace

Hinahanap ng Tearfund ang pamumuno ng Diyos sa kung paano maging isang aktibong tinig ng kapayapaan, pagbabalik ng relasyon, at pagkakaisa sa gitna ng mga komunidad sa buong mundo. Ang 7-araw na pag-aaral na ito ay may pang-araw-araw na mga aksyon para sa pagpapanumbalik ng iyong mga relasyon at pagdarasal para sa mundong ating pinamumuhayan, gamit ang mahahalagang karunungan mula sa mga kawikaan ng Aprika upang matulungan tayong matuklasan ang tunay na kapayapaan ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Tearfund sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://www.tearfund.org/yv