Paghahanap ng KapayapaanHalimbawa
Mapayapa sa Ating Mga Sarili
Kadalasan ang pinakamatindi nating laban para sa kapayapaan ay nangyayari sa loob ng ating mga sarili. Mayroong isang lolo na nagkwento sa kanyang apong lalaki, "Pakiramdam ko ay may dalawang lobo na naglalaban sa aking puso. Ang isang lobo ay mapaghiganti, galit at marahas. Ang isa naman ay mapagmahal at mahabagin. At nang tanungin ng apo, "Alin sa mga lobo ang mananalo sa laban ng iyong puso?" Ang sagot ng lolo ay, "Ang aking pinapakain."
Tayo ang pumipili kung anong ipakakain natin sa ating mga kaluluwa. Anong uri ng mga kaisipan ang mayroon ka tungkol sa iyong sarili? Kailangan nating harapin araw-araw ang ating mga iniisip at dapat tayong maging maingat kung paano natin haharapin ang ating mga pangamba. Hinihikayat tayo ng banal na kasulatan upang hanapin ang kapayapaan sa ating mga sarili sa pamamagitan ng pagpapaubaya ng ating mga alalahanin sa Diyos at pagpayag sa Kanyang bantayan ang ating mga puso at isipan, kahit pa ito ay hindi natin lubusang naiintindihan.
Kawikaang Aprikano
Ang balat ng leopardo ay maganda, subalit ang puso nito ay hindi. ~Kawikaan sa Baluba
Mayroong mapaghamong artikulo sa Rhythms site ng Tearfund na mahalagang mabasa natin, na nagtatanong kung ang atin nga bang pagkakakilanlan ay maibabatay ayon sa mga damit na ating isinusuot.
Aksyon:
Madalas nating natatagpuan ang pagkakakilanlan sa ating mga ari-arian. Pumunta sa iyong paboritong bilihan ng damit, hindi para bumili, kundi maglakad lamang sa mga pasilyo nito at gamitin ang pagkakataong ito upang pag-isipan ang iyong mga pangangailangan. Mag-alay ng isang dasal ng papuri sa Diyos sapagkat binihisan Niya tayo ng pagkamakatuwiran. Hilingin mo sa Diyos na tagpuin ka Niya at makalabas ka sa tindahang iyon na walang binili, sa pag-iisip na ikaw ay pumasok doon upang maghanap ng bagay na tanging Diyos lamang ang makakapagbigay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hinahanap ng Tearfund ang pamumuno ng Diyos sa kung paano maging isang aktibong tinig ng kapayapaan, pagbabalik ng relasyon, at pagkakaisa sa gitna ng mga komunidad sa buong mundo. Ang 7-araw na pag-aaral na ito ay may pang-araw-araw na mga aksyon para sa pagpapanumbalik ng iyong mga relasyon at pagdarasal para sa mundong ating pinamumuhayan, gamit ang mahahalagang karunungan mula sa mga kawikaan ng Aprika upang matulungan tayong matuklasan ang tunay na kapayapaan ng Diyos.
More