Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng KapayapaanHalimbawa

Pursuing Peace

ARAW 2 NG 7

Mapayapa sa Iyong Kapaligiran 

Ang takot ay maaring magnakaw ng kapayapaan. Nakapanood ka na ba ng balita at nang mapanood mo ay nagsimula kang makaramdam ng takot at ang mundo ay unti-unti mong nakikitang nagiging mas magulo at mas nakakabahala kumpara sa dati? Sa gitna ng mga natural na kalamidad, pagbabago sa klima at terorismo, si Cristo ay gising, kinakalaban ang takot at patuloy na ipinag-uutos sa atin na manatiling nanalalig at huwag matatakot.

Sa mundo kung saan walang kasiguraduhan at puno ng takot, maaaring magmukhang makabuluhan lamang na makaramdam ng kapayapaan sa isang lugar na mataas ang antas ng seguridad, sumusubok makahanap ng pakiramdam ng kapayapan sa ating sarili mula sa pagtatago ng mga kagamitan, mga nagawa, tagumpay at katuparan ng mga pangarap. 

Kawikaang Aprikano

Ang kayamanan na umaalipin sa nagmamay-ari ay hindi kayamanan. ~ Yoruba

Ang kapayapaang handog ni Jesus ay lubos na kakaiba. Ito ay ang pagiging payapa sa gitna ng pagsubok, sa gitna ng unos. Sinasabi Niya sa atin “Maging matatag kayo. Ako ito. Huwag kayong matatakot!” Sa huling hapunan paulit-ulit sinabi ni Jesus: “ Huwag kayong mabalisa at matakot.”

Hangad ng Diyos na tahakin natin ang buhay ng walang takot, ngunit hindi natin ito kakayanin kung hindi natin Siya kasama. 

Ang Tearfund ay kumikilos sa lugar kung saan may sakuna, sa pagsunod kay Jesus kung saan may pinakamalaking pangangailangan. Panoorin itong video upang makita kung papaano tumugon ang Tearfund New Zealand sa tawag na magbigay ng kapayapaan sa mundo. 

Aksyon: 

Panoorin ang pangunahing balita at pagkatapos, patayin ang TV, ibaba ang pahayagan, i-off ang radio. Magdasal sa Diyos patungkol sa mga pangyayaring iyon at hilingin sa Kanya na bigyan ng kapayapaan ang bawat isa sa kanila.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Pursuing Peace

Hinahanap ng Tearfund ang pamumuno ng Diyos sa kung paano maging isang aktibong tinig ng kapayapaan, pagbabalik ng relasyon, at pagkakaisa sa gitna ng mga komunidad sa buong mundo. Ang 7-araw na pag-aaral na ito ay may pang-araw-araw na mga aksyon para sa pagpapanumbalik ng iyong mga relasyon at pagdarasal para sa mundong ating pinamumuhayan, gamit ang mahahalagang karunungan mula sa mga kawikaan ng Aprika upang matulungan tayong matuklasan ang tunay na kapayapaan ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Tearfund sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://www.tearfund.org/yv