Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng KapayapaanHalimbawa

Pursuing Peace

ARAW 3 NG 7

Mapayapa Kasama ang Ibang Tao

Sa ilang simbahan, may gawain na tinatawag na palitan ng kapayapaan na ang sinisimbolo ay ang pagmamahalan ng mga Cristiano at pagkakaisa na ibinabahagi sa mga mananampalataya. Kapag tayo ay nasanay sa pagsunod sa mga tradisyon, madali nating nalilimutan ang mahalagang kahulugan sa likod nito. Ang isang matibay na komunidad ay isang komunidad na nasa kapayapaan, hinahasik ito sa mga buhay ng iba. Sa patuloy na pagtaas ng indibidwalismo sa ating lipunan, tila mas tumataas ang mga pader para akyatin, tulad ng pagpapakita natin ng pagmamahal at kapayapaan sa mga hindi natin kakilala. 

Ang pagbibigay ng kapayapaan sa isa’t isa ay maaaring gawing simple tulad ng pagbisita sa mga nakakatanda nating kapit-bahay, pagbibigay ng isang basong tubig, pagpapakain sa mahihirap o pag-aalaga sa isang bata. Ito'y maaaring pagbibigay ng kapatawaran sa isang nagkasala sa iyo, pagsasalita para sa mga napipighati, paggawa nang higit pa kapag hindi mo nais kumilos, o sa simpleng pagsasabi ng paumanhin. Ang mga gawing ito ay dapat nag-uugat sa isang buhay na puno ng panalangin. Panalangin para sa tunay na kapayapaan at ang pagtatayo ng kaharian ng Diyos dito sa mundo.

Kawikaang Aprikano

Kapag mayroong kapayapaan sa isang bansa, hindi nagdadala ng kalasag ang pinuno nito. ~Kawikaan sa Uganda

Kapag ang isang hari ay may mabubuting taga-payo, ang kanyang paghahari ay mapayapa. ~ Kawikaan sa Ashanti

Nakikita ng Tearfund ang mga kwento ng pagbabago at pagbuo ng kapayapaan.Basahin ang kwento ng isang Tearfund partner na tumulong upang maalis ang matinding galit sa isang komunidad sa Nigeria.

Aksyon:

Kailangan mo bang hanapin ang kapayapaan sa isang relasyon mo sa kapwa? Hilingin mong makipagkita at ipaliwanag kung bakit mo ito gustong gawin. Hilingin mo sa Diyos na ipakita sa iyo kung papaano mo i-aalok ang pagmamahal at kapatawaran na tulad ng kay Cristo.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Pursuing Peace

Hinahanap ng Tearfund ang pamumuno ng Diyos sa kung paano maging isang aktibong tinig ng kapayapaan, pagbabalik ng relasyon, at pagkakaisa sa gitna ng mga komunidad sa buong mundo. Ang 7-araw na pag-aaral na ito ay may pang-araw-araw na mga aksyon para sa pagpapanumbalik ng iyong mga relasyon at pagdarasal para sa mundong ating pinamumuhayan, gamit ang mahahalagang karunungan mula sa mga kawikaan ng Aprika upang matulungan tayong matuklasan ang tunay na kapayapaan ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Tearfund sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://www.tearfund.org/yv