Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Umani ng Pagpapasalamat Buong Taon!Halimbawa

Harvest Thanksgiving All Year Round!

ARAW 7 NG 7

MAGING MAPAGPASALAMAT PARA SA MALILIIT NA BAGAY

May nagsabi sa akin nang pabiro, ‘kung ito ay nagkakahalaga ng higit sa beinte-singko, magpasalamat!” Habang isinusulat ko ang debosyonal na ito, hindi ko maiwasang isipin ang kasulatan sa 1 Mga-Tesalonica 5:18.

“At magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.”

Maging ang beinte-singko ay aabot sa piso. Katawa-tawa na kadalasan, ang mga maliliit na bagay ang pinakapinapahalagahan natin.

• Isipin ang maliit na batang iyon na buong pagmamahal na magbibigay sa iyo ng pumpon ng dandelion na may kasamang magandang ngiti habang pinapasalamatan mo sila!
• Isipin ang sulat kamay na tala na nakatago sa isang drawer mula sa isang mahal sa buhay na namayapa na.
• Isipin ang estrangherong iyon na tumigil upang tulungan ka sa tabi ng daan.
• Eh yung isang hindi inaasahang tawag mula sa isang kaibigan na hindi mo narinig sa loob ng maraming taon?
• Ang mga yakap mula sa isang anak o apo, o asawa sa umaga.
• Ang paa ng iyong alaga na nagnanais ng iyong pansin.

Mangyari pa, ang mga ito ay ilan lang sa mga kaisipan upang ipaalala na iyon ang maliliit na bagay na mahalaga sa iyo. Kapag ang isang tao ay hindi pinangangalagaan ang lumang sasakyang na iyon, na ibinigay noong panahon ng pangangailangan, malamang na hindi nila pangangalagaan ang bagong sasakyan paglipas ng mga taon.

“Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay.” Lucas 16:10

Madalas akong nag-iisip kung tayo ay sinusubok ng Diyos sa isang maliit na bagay upang makita kung gaano tayo nagpapasalamat. Ibinabalik tayo sa unang araw ng pag-aaral na ito. Natatandaan mo ba ang mapagpakumbabang ina sa Africa na tinipon ang kanyang mga anak upang umawit ng mga awit ng kagalakan? Sa tingin natin, napakaliit ng mayroon sila; ngunit sa kanialng mga mata, nararanasan nila ang pagpapala ng kung anong mayroon sila at sila'y nagpapasalamat. Natutunan nila na mag-ani ng pasasalamat sa buong taon! Naway' makapulot tayo sa kung anong mayroon sila!

PAGSASANAY SA ARAW NA ITO:

• Maglaan ng oras upang palawakin ang listahan ng mga maliliit na bagay na lubhang mahalaga sa iyo.

• Tandaan na kinakailangan ang maliliit na bagay para makumpleto ang malalaking bagay: ang mga pako ay kasing-halaga ng kahoy na nagtatayo ng bahay!

• Mas pinapasalamatan mo ang Diyos at ang iba, mas nagiging madali ito.

• Gawing layunin ang ‘Mag-ani ng Pasasalamat sa Buong Taon!”

Kung nasiyahan ka sa debosyonal na ito, hinihikayat kita na i-type sa You Version browser ang, Eternity Matters With Norma at lalabas ang iba pang debosyonal na isinulat ni Norma.

Ang may-akda at iba pang gawa niya ay matatagpuan sa http://facebook.com/eternitymatterswithnorma.

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Harvest Thanksgiving All Year Round!

Ako ay namamangha sa mga aral na matututuhan natin mula sa ibang kultura! Ang ilan ay waring kulang sa mga materyal na bagay, gayunma'y nagpapakita sila ng matinding pasasalamat at kagalakan! Hindi ko alam sa iyo, ngunit gusto kong ang pagpapasalamat at kagalakan ay maging bahagi ng buhay ko tulad ng aking paghinga! Sa gabay na ito, matutuklasan natin kung paano gawing pang-araw-araw na pagsasanay ang panahon ng pasasalamat!

More

Nais naming pasalamatan ang Eternity Matters With Norma sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bumisita sa: https://www.facebook.com/eternitymatterswithnorma