Umani ng Pagpapasalamat Buong Taon!Halimbawa
DAKILAIN ANG DIYOS NA MAY PASASALAMAT!
Paano natin dadakilain ang Diyos na may pasasalamat? May ilang mga paraan upang ipakita sa Diyos ang ating pasasalamat sa Kanyang kalahatan at sa lahat ng Kanyang ginagawa.
• Pagsunod: Naalala ko ang Kanyang salita na ang 'pagsunod' ay mas mabuti kaysa sa paghahandog. I Samuel 15:22 Kapag tayo ay sumusunod at namumuhay sa Kanyang Salita, patuloy tayong nagpapasalamat sa Diyos sa ating paraan ng pamumuhay!
• Magpuri sa pamamagitan ng ating bibig: "Pupurihin ang Diyos, aking aawitan, dadakilain ko't pasasalamatan." Mga Awit 69:30
•Kahabagan:"Maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo." Mga Taga-Efeso 4:32
• Panalangin:"Magalak kayong lagi, palagi kayong manalangin, at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus." 1 Mga Taga-Tesalonica 5:16-18
• Pagkabukas-Palad:"Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay nang may kagalakan!" 2 Mga Taga-Corinto 9:7
Mangyaring isipin ang mga mungkahing ito upang pukawin ang pagpapasalamat at kalagakan na nagmumula sa kaibuturan!
Gusto kong isipin ang paglilingkod sa Diyos nang lubusan sa pamamagitan ng paghahalintulad sa pagluluto ng isang salang ng mga biskwit na may pira-pirasong tsokolate. Kung ako ay nagmamadali, maaari kong pabilisin ang proseso; marahil gumamit ng mas mataas na temperatura kaysa sa sinasabi ng recipe. Maaari akong magambala sa pagkuha ng isang tawag sa telepono at makalimutang ilagay ang baking soda o baking powder sa pinaghalong mga tuyong sangkap. O marahil gumawa ng maling desisyon na gamitin ang mga lumang pira-pirasong tsokolate.
Sa palagay ko ay hindi mo mararamdaman ang aking pasasalamat at pagmamahal sa pag-aalok sa iyo ng mga biskwit na ginawa sa ganitong paraan. Kaya, ganoon din ang Panginoon. Katulad ng pagluluto ng tinapay, naglalaan tayo ng oras, iniiwan ang lahat ng iba pang bagay, at gumagamit ng pinakasariwang mga sangkap na posible. Marami sa mga lalaki ang nakadarama ng pagpapahalaga at pagmamahal kapag naaamoy nila ang mga biskwit na iyon at, mas mainam pa, kapag sila ay inabutan ng ilan sa isang plato upang tikman.
Ang Diyos ay naghihintay sa atin na lumapit sa Kanya araw-araw, upang ipakita ang ating pagmamahal sa pamamagitan ng pagpapasalamat!
PAGSASANAY SA ARAW NA ITO:
• Gamitin ang listahang ito o gumawa ng sarili para sa mga paraan upang dakilain ang Panginoon.
• Isang malaking pribilehiyo na lumapit sa presensya ng Manlilikha; simulang ilagay ang kaisipang ito sa iyong espiritu!
• Huwag ihuli ang Diyos sa iyong pang-araw-araw na gawain.
• Pukawin ang pagpapasalamat na nagmumula sa kailaliman.
Tungkol sa Gabay na ito
Ako ay namamangha sa mga aral na matututuhan natin mula sa ibang kultura! Ang ilan ay waring kulang sa mga materyal na bagay, gayunma'y nagpapakita sila ng matinding pasasalamat at kagalakan! Hindi ko alam sa iyo, ngunit gusto kong ang pagpapasalamat at kagalakan ay maging bahagi ng buhay ko tulad ng aking paghinga! Sa gabay na ito, matutuklasan natin kung paano gawing pang-araw-araw na pagsasanay ang panahon ng pasasalamat!
More