Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Umani ng Pagpapasalamat Buong Taon!Halimbawa

Harvest Thanksgiving All Year Round!

ARAW 3 NG 7

LUMAPIT SA KANYANG PRESENSYA NA MAY PASASALAMAT!

"Tayo na't lumapit kay Yahweh na Diyos, siya ay awitan, ang batong kublihan, atin ngang handugan, masayang awitan! Tayo na't lumapit, sa kanyang presensya na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak. Sapagkat si Yahweh, siya ay dakila't makapangyarihang Diyos, ang dakilang Haring higit pa sa sinuman na dinidiyos." Mga Awit 95:1-3

Ang ilang mga tao ay gumigising nang may ngiti, sabik na itapak ang mga paa sa sahig! Ang iba ay nagtatakip ng kanilang mga ulo sa unang hudyat ng liwanag at nagbubuntong-hininga, na may kaisipang ayaw harapin ang araw.

Ang isang bagay na inaasahan kong matututunan natin sa pamamagitan ng debosyonal na ito ay bawat minuto na tayo ay gising, tayo ay may dakilang pribilehiyo at pagkakataon na makasama ang Diyos! Paano ko nalaman iyon? Dahil sa kalbaryo, ang tabing ay napunit mula itaas hanggang ibaba nang ang lupa ay nayanig, nagpapahintulot sa atin na lumapit nang may tapang sa kanyang trono. Ang pagkamatay ni Jesus sa krus ay nagbigay sa atin ng daan sa Kanyang presensya! Hindi na natin kailangan ang pari upang pumasok; ikaw at ako ay malayang pumasok!

Sa ating paggising bawat umaga, sa sandaling makita natin ang Kanyang liwanag na sumisikat sa ating mga bintana, sa sandaling nakita natin ang langit o marinig ang isang ibon na humuhuni, tayo ay nasa ilang anyo ng`Kanyang presensya, dahil nilikha Niya ang lahat ng bagay. Paano natin babatiin ang Panginoon? Sinasabi sa atin ng Kasulatan na umawit, lumikha ng nakakagalak na ingay, at lumapit sa Kanyang presensya nang may? Pasasalamat!

PAGSASANAY SA ARAW NA ITO:

• Kung masungit ka sa umaga, itigil na ito!

• Magsanay ngumiti bago magkape o magtsaa sa umaga.

• Batiin ang iyong mga mahal sa buhay nang may kagalakan at subukang pasalamatan sila sa isang bagay.

• Gumawa ng nakakagalak na mga ingay kapag nagmamaneho patungo sa trabaho o sa grocery.

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Harvest Thanksgiving All Year Round!

Ako ay namamangha sa mga aral na matututuhan natin mula sa ibang kultura! Ang ilan ay waring kulang sa mga materyal na bagay, gayunma'y nagpapakita sila ng matinding pasasalamat at kagalakan! Hindi ko alam sa iyo, ngunit gusto kong ang pagpapasalamat at kagalakan ay maging bahagi ng buhay ko tulad ng aking paghinga! Sa gabay na ito, matutuklasan natin kung paano gawing pang-araw-araw na pagsasanay ang panahon ng pasasalamat!

More

Nais naming pasalamatan ang Eternity Matters With Norma sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bumisita sa: https://www.facebook.com/eternitymatterswithnorma