Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Umani ng Pagpapasalamat Buong Taon!Halimbawa

Harvest Thanksgiving All Year Round!

ARAW 4 NG 7

ANO ANG NAGPUPUNO NG IYONG ISIPAN?

"Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, anomang bagay na mabuting ulat—kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan—ay isipin ninyo ang mga bagay na ito."Filipos 4:8

Ang mga tao ay hindi nagpapahayag ng pasasalamat dahil ang kanilang mga isipan ay abala sa mga bagay-bagay. Naranasan mo na ba na sa sobrang pagiging abala ay mabilisan na lang ang pagbati mo sa iyong mga mahal sa buhay? Sa madaling salita, ikaw ay lubhang abala sa pakikilahok na nawala na ang prayoridad mo sa mga bagay na mahalaga. Ang buhay ay puno ng pagkakaabalahan. Kung hindi ka retirado, ang iyong araw ay maaaring kinabibilangan ng trabaho, mga anak, paaralan, mga extracurricular activity, simbahan, pagboboluntaryo, isports, pagpunta sa palengke, carpooling, at kung ano-ano pa.

Marahil wala sa mga ito ay ikaw, sa halip ang iyong isipan ay puno ng kahalayan, ponographiya, pag-inom, labis na pagkain, o mga pelikulang hindi mo dapat pinanonood.

Natutunan ng mga tao ang paraan ng pamumuhay na tila ayon sa pamantayan ng lipunan. Dapat nating gawin ‘lahat’ gaya ng sa Panginoon! Kapag ginagawa natin ang mga bagay para sa Panginoon, dapat nating gawin ang mga ito nang may pusong mapagpasalamat. Kapag alam natin na ang ginagawa natin ay hindi nakalulugod sa Diyos, alam natin na hindi tayo lumalapit sa Kanya nang may papuri at pasasalamat.

Nabanggit ko ba ang pagreretiro? Oo, maaari tayong maging okupado sa pagreretiro, sa paglalakbay, paglalaro ng golf, pag-aalaga ng mga apo, at pagkain sa labas kasama ng mga kaibigan. Maari tayong maging abala sa paggawa ng mga libangan at gawaing kamay at lahat ng nakatutuwang pakikipagsapalaran na ito na pumupuno sa ating mga isipan sa halip ng pasasalamat. Tiyak na hindi mali ang gumawa ng ilang bagay na binanggit sa pag-aaral ngayong araw, subalit dapat tayong matutong gawin ang lahat ng ating ginagawa na nakatuon kay Jesus at may pusong mapagpasalamat.

Ang Mga Taga-Roma 12:2 ay nagpapaalala sa atin na huwag umayon sa pamantayan ng sanlibutan ngunit mabago sa pamamagitan ng pagpapanibago ng ating isipan!

Paano natin babaguhin ang ating isipan?

Una, dapat nating alamin kung ano ang nagtutulak sa atin at bakit nais nating gawin ang lahat ng ito. Maging totoo sa Panginoon, at sa pakikipag-usap sa Kanya, tanungin ang iyong sarili kung ang iyong mga gawain ay nagdadala ng pagtutuon sa sarili upang kilalanin nang may papuri ng iba. Alam mo na ang sumasakop sa isip mo ay pagiging makasarili. Kung ikaw ito, humiling sa Diyos ng kapatawaran at ng tulong para mabago ang mga bagay na sumasakop ng iyong isipan.

PAGSASANAY SA ARAW NA ITO:

· Kung nakikita mo na ikaw ay labis na nakikilahok, isipin kung paano mo paiiksiin ang listahan na iyon.

· Kung ang iyong isipan ay puno ng mga bagay na makasalanan na hindi nakaluluwalhati sa iyong paglakad kasama ang Panginoon, magtungo sa Diyos nang may totoong puso at magkaroon ng pakikipag-usap sa Kanya.

· Gumawa ng pagsusuri sa sarili upang malaman kung ang iyong mga kilos at gawain ay nagiging makasarili o lumuluwahalti sa Diyos.

·Magpasya na maglaan ng puwang sa iyong buhay para sa pasasalamat at kagalakan!

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Harvest Thanksgiving All Year Round!

Ako ay namamangha sa mga aral na matututuhan natin mula sa ibang kultura! Ang ilan ay waring kulang sa mga materyal na bagay, gayunma'y nagpapakita sila ng matinding pasasalamat at kagalakan! Hindi ko alam sa iyo, ngunit gusto kong ang pagpapasalamat at kagalakan ay maging bahagi ng buhay ko tulad ng aking paghinga! Sa gabay na ito, matutuklasan natin kung paano gawing pang-araw-araw na pagsasanay ang panahon ng pasasalamat!

More

Nais naming pasalamatan ang Eternity Matters With Norma sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bumisita sa: https://www.facebook.com/eternitymatterswithnorma