Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Umani ng Pagpapasalamat Buong Taon!Halimbawa

Harvest Thanksgiving All Year Round!

ARAW 6 NG 7

HUWAG MAHIYANG YUMUKO SA PASASALAMAT

Sinanay ako bilang isang bata na sandaling huminto bago kumain, iyuko ang aking ulo, at pasalamatan ang Diyos para sa aking pagkain. Hanggang ngayon, 77 taon na ang nakakaraan, kahit sa isang restawran, iniyuyuko ko ang aking ulo sa pasasalamat.

Marahil ay mali ako, ngunit dama ko na ito ay nawawala na sa karamihan ngayon. Hindi ako nagiging mapanghusga; sinusubukan ko lang ibahagi kung ano ang aking nakikita. Lumulukso ang aking puso kapag nakikita ko ang iba na nagpapasalamat sa Diyos na hindi nahihiya para sa mga pagpapala sa atin. Isa sa mga dahilan kung bakit ang kaugaliang ito ay hindi na gaanong ginagawa sa paglipas ng mga panahon ay dahil ang mga tao ay nagiging abala kaya ang mga pamilya ay bihirang kumain nang sama-sama.

Binalaan tayo ni Timoteo kalaunan tungkol sa mga guro na itinutulak ang kanilang mga doktrina at tuntunin sa mga tao. Ang naunang talata ay nagsasabi sa atin na ang iba ay magtuturo na umiwas sa ilang mga pagkain at hindi pag-aasawa."Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti at walang dapat ipalagay na masama; sa halip ay dapat tanggaping may pagpapasalamat sapagkat ang mga ito'y nililinis ng salita ng Diyos at ng panalangin." 1 Timoteo 4:4-5

Nang pinakain ni Jesus ang maraming tao, ang unang bagay, na Kanyang ginawa ay itaas ang limang tinapay at dalawang isda patungo sa langit at nagpasalamat sa Diyos bago Niya ito pinutol. Ginawa Niyang muli ito nang pinakain Niya ang mga tao nang pitong tinapay at isda.

Ang paggugol ng oras at paggamit ng ibang pagkakataon upang ipakita sa Panginoon ang ating pasasalamat ay nakakatulong upang lumago ang isang mapagpasalamat na espiritu.

Hindi ko naman inaasahan na magpasalamat ang mga tao kapag nakakagawa ako ng magagandang bagay sa kanila, ngunit kung hindi sila maglalaan ng oras upang ipakita ang kanilang pagpapahalaga, iniisip ko kung nagpapahalaga ba sila sa pagpapala. Kaya, ganoon din ang Diyos; nawa ay hindi Siya magduda sa ating pagpapasalamat.

Kapag isinusulat ko ang tungkol sa pananalangin sa pagkain sa publiko, mangyaring malaman na hindi ito isang palabas. Bagamat nakakatulong sa iba na nakakakita ng mga tao na iniyuyuko ang kanila mga ulo bago kumain, hindi tayo kailangang manalangin nang malakas sa pagkain para makakakuha ng pansin sa ating mga sarili.

Marahil ang mga nakakakita ay maaaring mag-isip na tayo ay radikal o nababaliw, ngunit maaari itong pumukaw ng kanilang kaluluwa. Nakakatawa na maaari tayong pumunta sa isang mataas na paaralan, kolehiyo, o isang propesyonal na laro at magsisigaw nang malakas, ngunit dahil hindi natin nais na ipahiya ang ating sarili, iniiwasan natin ang magpasalamat sa Diyos ng Sandaigdigan para sa pagpapala.

PAGSASANAY SA ARAW NA ITO:

• Kung matagal na panahon ka nang hindi nananalangin bago kumain, simulan ngayon. Bakit? Dahil hindi lang ito pumupukaw sa puso ng Diyos, kundi ito ay magpapalago ng iyong pagpapasalamat!

• Magsimula sa bahay. Magsimula sa iyong sarili at palawakin ang pananalangin kasama ang iyong pamilya.

• Balang araw, nanaisin mong iyuko ang iyong ulo sa restawran!

• Kung kumilos kang parang baliw sa isang ballgame, maaari kang bahagyang maging baliw para sa Diyos!

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Harvest Thanksgiving All Year Round!

Ako ay namamangha sa mga aral na matututuhan natin mula sa ibang kultura! Ang ilan ay waring kulang sa mga materyal na bagay, gayunma'y nagpapakita sila ng matinding pasasalamat at kagalakan! Hindi ko alam sa iyo, ngunit gusto kong ang pagpapasalamat at kagalakan ay maging bahagi ng buhay ko tulad ng aking paghinga! Sa gabay na ito, matutuklasan natin kung paano gawing pang-araw-araw na pagsasanay ang panahon ng pasasalamat!

More

Nais naming pasalamatan ang Eternity Matters With Norma sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bumisita sa: https://www.facebook.com/eternitymatterswithnorma