Umani ng Pagpapasalamat Buong Taon!Halimbawa
MGA UGAT UPANG MAGSIMULA NG PAG-ANI!
Noong 2020, bumisita ang aking anak na babae at ang kanyang asawa sa Grumeti, Africa, kung saan nagkaroon sila ng pribilehiyong makita ang isang pamilya sa nayon. Ginawa ng pamilyang ito ang kanilang tahanan mula sa putik at mga sanga upang maging isang damuhang kubo. Ang ina ng pamilyang ito ay gumawa ng isang duyan para sa kanyang mga anak mula sa mga patpat. Inihanda niya ang pagkain ng kanyang pamilya na nakaluhod sa sahig na lupa. Inipon din niya ang kanyang mga anak, na kumanta at magkahawak kamay, kasama ang kanilang mga bisita na hindi pa nila nakikilala noon na parang pamilya na rin nila. Ang buong pamilya ay nagpakita ng kagalakan at isang saloobin ng pasasalamat na parang pag-aari nila ang mundo!
Ibinabahagi ko sa inyo ang pagtatagpong ito dahil ito ay isang mahusay na paraan upang simulang matanto na ang pagpapasalamat at kagalakan ay hindi nakasalalay sa mga pangyayari kundi sa kung ano ang nasa ating puso at kung paano natin nakikita ang mga bagay. Ang tanging alam ng pamilyang ito ay ang kanilang pamumuhay at kuntento at masaya na sila sa kung anong meron sila.
Marami sa atin sa buong mundo ang nasisiyahan sa mga modernong kaginhawahan at pinakabagong teknolohiya. Mayroon tayong tatlong nakabubusog na pagkain araw-araw na may meryenda pa sa pagitan, ngunit kakaunti ang natututong makuntento.
Mula sa kaibuturan ng ating pagkatao, maaari tayong maging mga bumubulung at nagrereklamong tao na nakikita ang baso na kalahati lang ang laman, o tayo ay maaari tayong maging katulad nitong maliit na pamilya sa Africa na nakikita kung ano ang mayroon sila nang may matinding pasasalamat!
"Sapagkat tinanggap na ninyo si Cristo Jesus bilang Panginoon, mamuhay kayo sa paraang karapat-dapat sa kanya. Magpakatatag kayo at patuloy na lumago sa pagkakilala sa kanya. Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at lagi kayong magpasalamat sa Diyos." Mga Taga-Colosas 2:6-7
Kapag tayo ay malalim na nakaugat kay Cristo at ginagamit ang pananampalataya na kasama ng saligang ito, sinasabi sa atin ng banal na kasulatan na sagana tayo sa pasasalamat! Ang pagsagana ay ang paggawa nito nang labis, sa kasaganaan.
PAGSASANAY NGAYON:
· Tanungin ang iyong sarili kung kailan ka huling nakaramdam ng pagpapahalaga.
· Tanungin ang iyong sarili kung gaano kadalas kang nagpapakita ng kagalakan at pasasalamat sa iba.
· Magsimulang magpasalamat sa Panginoon sa maraming pagpapala na tinatamasa mo!
· Sumagana nawa tayo sa pasasalamat!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ako ay namamangha sa mga aral na matututuhan natin mula sa ibang kultura! Ang ilan ay waring kulang sa mga materyal na bagay, gayunma'y nagpapakita sila ng matinding pasasalamat at kagalakan! Hindi ko alam sa iyo, ngunit gusto kong ang pagpapasalamat at kagalakan ay maging bahagi ng buhay ko tulad ng aking paghinga! Sa gabay na ito, matutuklasan natin kung paano gawing pang-araw-araw na pagsasanay ang panahon ng pasasalamat!
More