Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsesentro ng Buhay Mo sa Pakikipagtagpo sa DiyosHalimbawa

Centering Your Life Around Meeting With God

ARAW 6 NG 7

Sulitin ang Ating Oras

Binabalaan tayo ng Mga Taga-Efeso 5:15-16, "Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon."Ang ating oras ay ang napakahalaga dito sa mundo. Hindi na natin mababalikan ang mga araw na ginugol natin nang walang kabuluhan sa mga bagay ng mundo. Hindi na natin maibabalik ang oras na ginugol sa labas ng layunin ng Diyos sa pagtanggap at pagbibigay ng pagmamahal. Ang oras natin dito ay masyadong limitado at napakahalaga para gugulin sa mga pasanin, kabigatan, kasalanan, at makamundong gawain. Kung susulitin natin ang buhay na ito, dapat nating matutunang ituon ang ating oras sa walang hanggang halaga ng pakikipagtagpo sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi ng Santiago 4:13-15,

"Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, 'Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming titigil doon, mangangalakal kami at kikita nang malaki.' Ni hindi nga ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Ang buhay ninyo'y parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala. Sa halip ay sabihin ninyo, 'Kung loloobin ng Panginoon at nabubuhay pa kami, gagawin namin ito o iyon.'”

Ang pagtingin sa kung paano natin ginugugol ang ating oras ay isa sa mga pinakamahusay na paraan upang masuri ang kalagayan ng ating mga puso. Kung gagamitin natin ang lahat ng ating oras sa paggawa at pag-iisip tungkol sa mga bagay ng mundo, malalaman natin na hindi pa tayo nakakarating sa tamang paghahayag ng mga layunin ng Diyos para sa atin. Kung ginugugol natin ang karamihan ng ating oras sa simpleng pagpapalipas ng ating mga araw sa pagsisikap na makahanap ng kaligayahan sa halip na hanapin ang mukha ng ating Ama sa langit upang makatanggap tayo ng nakapagpapanatili at higit na kagalakan, malalaman natin na hindi pa natin ganap na naibibigay ang ating buhay sa ating Hari.

Ang magandang bagay tungkol sa likas na katangian ng oras ay ang ito'y lubos na sa atin upang gawin kung ano ang nais nating gawin. Maaari tayong, sa ngayon, magpasiya na gamitin ang ating oras nang husto ayon sa mga layunin ng Diyos na ipinahayag sa atin sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan. Maaari tayong, sa ngayon, magpasiya na ihinto ang pag-aaksaya ng mahahalagang minuto sa bagay na panandalian at lumilipas at sa halip ay ilaan ang ating mga araw sa walang hanggan, walang katapusan, at mabungang mga layunin ng ating Ama sa langit.

Sabi sa Mga Awit 90:12, “Dahil itong buhay nami'y maikli lang na panahon, itanim sa isip namin upang kami ay dumunong."Nais ng Diyos na turuan tayo kung paano gamitin ang ating mga araw nang may karunungan. Nais Niyang bigyan tayo ng puso ng karunungan upang maisentro natin ang ating buhay sa pakikipagtagpo sa Kanya. Mayroon kang Diyos mismo na nananahan sa loob mo, handang gabayan ka sa isang pamumuhay na may layunin. Piliin ngayon na buksan ang iyong puso at isipan sa Guro, ang mismong Espiritu ng Diyos, at mamuhay ayon sa Kanyang kalooban. Nawa'y makatagpo ka ng kapayapaan, kagalakan, at layunin sa kung paano mo ilalaan ang iyong oras ngayon.

Panalangin

1. Pagnilayan ang kahalagahan ng matalinong paggamit ng iyong oras.

"Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon." Mga Taga-Efeso 5:15-16

“Dahil itong buhay nami'y maikli lang na panahon, itanim sa isip namin upang kami ay dumunong." Mga Awit 90:12

2. Hilingin sa Banal na Espiritu na ipakita sa iyo kung paano mo ginamit ang iyong oras nang hindi matalino. Alamin na hindi Siya Diyos na kumukuha ng lahat ng iyong tinatamasa. Hindi Siya Diyos na ayaw ng kasiyahan, kaibigan, at pagdiriwang. Siya ay isang masayang Diyos na tunay na nagmamahal sa iyo. Huwag paghaluin ang relihiyon at ang puso ng iyong Ama sa langit. Magtiwala na kung saan ka man Niya akayin para sa iyong pagbabago ay magreresulta sa pinakamasaya, mabunga, at kasiya-siyang paraan na maaari mong ipamuhay.

"Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, 'Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming titigil doon, mangangalakal kami at kikita nang malaki.' Ni hindi nga ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Ang buhay ninyo'y parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala. Sa halip ay sabihin ninyo, 'Kung loloobin ng Panginoon at nabubuhay pa kami, gagawin namin ito o iyon.'” Santiago 4:13-15

3. Hilingin sa Diyos na tulungan kang gamitin ang iyong oras nang may karunungan ngayon. Hingin sa Kanya na tulungan kang sundin ang Kanyang direksyon habang ginagawa mo ang araw na itinakda para sa iyo.

“Subalit dapat ninyong malaman ang katotohanan. Ang pag-alis ko'y sa ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo ang Tagapagtanggol kung hindi ako aalis. Ngunit kung wala na ako, isusugo ko siya sa inyo." Juan 16:7

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Centering Your Life Around Meeting With God

Ang buhay na ito ay minarkahan ng nag-iisang pagpili: kanino o saan natin isesentro ang ating buhay? Ang pagpiling ito ay nagdadala sa bawat isa sa atin sa landas ng mga desisyon na humuhubog sa kung sino tayo, kung ano ang nararamdaman natin, kung sino o ano ang ating pinahahalagahan, at kung ano ang ating magagawa sa pagtatapos ng ating mga araw. Ang pagsesentro ng ating buhay sa ating sarili o sa mga bagay ng mundong ito ay humahantong lamang sa pagkawasak.

More

Nais naming pasalamatan ang First15 sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.first15.org/