Pagsesentro ng Buhay Mo sa Pakikipagtagpo sa DiyosHalimbawa
Ang Pagtingin sa Diyos Bilang Ating Ama
Kung mayroong isang pangalan para sa Diyos na may kapangyarihang baguhin ang buhay ng mga mananampalataya, ito ay yaong maaari nating tawagin ang Diyos na "Abba" o "Ama." Ang makita ang Diyos bilang ating Ama ang nagbabago ng lahat. Sa aklat ni Brennan Manning, The Furious Longing of God, nagtanong siya ng isang mahalaga at makapangyarihang tanong:
Ang iyong personal na panalangin ba'y nailalarawan sa pagiging simple, parang bata sa pagiging tapat, may walang hangganang pagtitiwala, at may malapit na ugnayan tulad ng isang maliit na batang gumagapang sa kandungan ni Tatay? Batid na ang tatay ay walang pakialam kung ang bata ay makatulog, magsimulang maglaro ng mga laruan, o kahit na magsimulang makipag-usap sa mga kaibigan dahil alam ng tatay na ang bata ay piniling makasama siya sa sandaling iyon? Iyan ba ang diwa ng iyong personal na buhay-panalangin?
Nang una kong mabasa ang mga tanong na ito, naisip ko, “Malamang na hindi ito maaaring ganito kasimple. Tiyak na hindi ito ang inaasahan ng Diyos sa akin." Hindi natin nakuha kung ano ang tunay na kahulugan ng pagiging mga anak ng isang mabuti, malapit, at mapagmahal na Ama. Isinasaalang-alang natin ang ating sariling kawalan ng kapanatagan, pananaw, at mga karanasan sa isang Diyos na kumakatawan sa pag-ibig. Wala na tayong magagawa para mahalin tayo ng Diyos nang higit pa sa ginagawa Niya. At wala tayong magagawa para mabawasan ang pagmamahal Niya sa atin. Mahal tayo ng Diyos dahil mahal Niya tayo. Natutuwa Siya sa atin dahil natutuwa Siya sa atin. Gusto Niya tayong makasama dahil ganyan Siya, hindi dahil kahit papaano ay may ginawa tayo para makamtan ito.
Sinasabi ng Juan 3:16 na,"Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."
Kahit na tayo ay nasa kasalanan at hiwalay sa Diyos, minahal Niya tayo nang sapat upang bayaran ang pinakamataas na halaga para makuha tayo. Sa sobrang lalim ng Kanyang pagmamahal sa atin, inialay ni Jesus ang Kanyang sariling buhay bilang pagbabayad-sala sa ating mga pagkakamali, kabiguan, kahinaan, at karupukan. Kung minahal tayo ng Diyos noon nang walang pasubali, mahal Niya tayo ngayon nang walang kondisyon. Kung pipiliin tayo ng Diyos noon, pipiliin Niya tayo ngayon. Kung gusto tayo ng Diyos noon, gusto Niya tayo ngayon.
Upang maisentro ang ating buhay sa pakikipagtagpo sa Diyos, dapat nating maunawaan ang kalikasan ng Kanyang pagmamahal sa atin. Dapat nating simulan ang kaugnayan sa Kanya bilang ating mabuti at mapagmahal na Ama higit sa lahat. Dapat nating iwaksi ang anumang paniwala na Siya ay galit sa atin, malayo sa atin o walang pagmamahal o pagnanais para sa atin. Mapapalapit lamang tayo sa ating Ama sa langit sa antas na paniniwalaan nating ang Kanyang salita at magtitiwala sa Kanyang pag-ibig sa atin. Maglaan ng oras ngayon para tanggapin ang napakalawak at walang kondisyong pag-ibig ng Diyos para sa iyo. Pahintulutan ang Kanyang pag-ibig na baguhin ang iyong mga pananaw at paniniwala. At tumugon sa Kanyang dakilang pag-ibig sa pamamagitan ng pagbubukas ng iyong puso at pakikisama sa iyong Maylalang, Tagapagtaguyod, at mapagmahal na Ama sa langit.
Panalangin
1. Pagnilayan ang kabutihan ng Diyos bilang iyong perpektong Ama. Ano ang ibig sabihin ng relasyon mo sa Kanya kung talagang makikita mo Siya sa ganitong paraan? Paano mo maisasaayos ang iyong mga pananaw sa liwanag ng Kanyang salita?
"Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." Juan 3:16
"Huwag ninyong tawaging ama ang sinumang tao sa lupa sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Ama na nasa langit." Mateo 23:9
"Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagpapakita ng bahagya mang pagbabago." Santiago 1:17
2. Sa anong mga paraan mo tinitingnan ang Diyos maliban sa isang mapagmahal na Ama? Paano mo naisip na Siya'y isang mapang-alipin, malayong Tagapaglikha, o galit o walang pakialam na Ama?
“Ang iyong personal na buhay-panalangin ba ay nailalarawan sa pagiging simple, parang bata sa pagiging tapat, may walang hangganang pagtitiwala, at may malapit na pakikipag-ugnayan ng isang maliit na bata na gumagapang sa kandungan ni Tatay? Alam na ang tatay ay walang pakialam kung ang bata ay makatulog, magsimulang maglaro ng mga laruan, o kahit na magsimulang makipag-usap sa maliliit na kaibigan dahil alam ng tatay na ang bata ay piniling makasama siya sa sandaling iyon? Iyan ba ang diwa ng iyong personal na buhay panalangin?” Brennan Manning, The Furious Longing of God.
3. Hilingin sa Diyos na tulungan kang matagpuan ang lalim ng Kanyang pag-ibig ngayon. Maglaan ng oras upang tanggapin ang Kanyang presensya at magpahinga sa Kanyang kabutihan. Buksan ang anumang bahagi ng iyong buhay na hindi nagbubunga ng Kanyang walang pasubaling pag-ibig at tanggapin ang lahat ng pagmamahal na ibinibigay Niya.
“Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo.” Mga Taga-Efeso 1:3
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang buhay na ito ay minarkahan ng nag-iisang pagpili: kanino o saan natin isesentro ang ating buhay? Ang pagpiling ito ay nagdadala sa bawat isa sa atin sa landas ng mga desisyon na humuhubog sa kung sino tayo, kung ano ang nararamdaman natin, kung sino o ano ang ating pinahahalagahan, at kung ano ang ating magagawa sa pagtatapos ng ating mga araw. Ang pagsesentro ng ating buhay sa ating sarili o sa mga bagay ng mundong ito ay humahantong lamang sa pagkawasak.
More