Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsesentro ng Buhay Mo sa Pakikipagtagpo sa DiyosHalimbawa

Centering Your Life Around Meeting With God

ARAW 2 NG 7

Ang Pagnanais ng Diyos na Katagpuin Ka

Itinuturing ko noon na ang oras na ginugugol ko sa lihim na kasama ng aking Ama sa langit bilang isang bagay na kailangan kong pagsumikapan upang magkaroon ako ng sapat na pagkagusto rito. Inilalarawan ko ang Diyos na naghihintay sa akin sa isang silid, handa akong pagpalain, ngunit pakiramdam ko ang bigat ng pagpili sa Kanya ay nasa aking mga balikat. Ang katotohanan tungkol sa puso ng Diyos ay malayo sa aking mga maling akala noon.

Naglilingkod tayo sa isang Diyos na patuloy at makapangyarihang humahabol sa atin.

Sinasabi sa Pahayag 3:20,“Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako sa kanyang tahanan at kakain kaming magkasalo.”

Kumakatok ang Diyos sa pintuan ng iyong puso ngayon. Ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang pagmamahal para sa iyo sa bawat banayad na simoy ng taglagas na humahaplos sa iyong mukha, sa bawat magandang pagsikat ng araw, sa bawat nakamamanghang bituin sa kalangitan.

Hinahabol tayo ng Diyos sa anuman at sa bawat paraan na Kanyang makakaya. Ang pinakadakilang hangarin ng Kanyang puso ay ang makipag-isa sa Kanyang bayan. Kaya't dahil sa ating kaalaman at sa ating pagtanggap ng Kanyang nag-uumapaw na pagmamahal para sa atin, napupukaw sa ating mga puso ang pagnanais na makatagpo Siya. Sa paglalaan ng panahon upang mapansin ang patuloy Niyang pagtugis sa atin, natural na magsisimula nating isentro ang ating buhay sa pakikipagtagpo sa ating Ama sa langit.

Dapat nating isentro ang ating buhay sa pakikipagtagpo sa Diyos dahil sa kaibuturan ng Kanyang puso ay isang malalim, walang ampat na pananabik na makipagtagpo sa atin. Ang Lumikha ng sansinukob ay lubos na nagnanais na patuloy at palagiang makipagtagpo sa iyo. Ang Diyos, na Makapangyarihan, na nakaaalam sa lahat, puspos ng biyaya, at Siyang katuparan ng perpektong pag-ibig, ay nagnanais na makilala mo Siya. Nilikha tayo upang maakit ng pagnanais ng ating Lumikha. Ginawa tayo upang kilalanin at makilala ang ating Ama sa langit. Nilikha tayo upang lumakad kasama Niya bawat sandali ng bawat araw. Hindi sa "dapat" nating isentro ang ating buhay sa pakikipagtagpo sa Diyos; kundi tayo'y nilikha para rito at dapat nating gawin ito.

Sinasabi sa Ang Awit ni Solomon 7:10 na,Itong buhay na taglay ko'y sa sinta ko nakalaan, sa akin siya'y nananabik, lagi akong inaasam.Nawa'y lumago ka sa kamalayan ng pagnanais ng Diyos para sa iyo ngayon. Nawa'y makilala mo ang iyong sarili bilang“aking mga minamahal.”Nawa’y mamarkahan ang iyong buhay ng natural na pagtugon sa walang katapusang pagtugis sa iyo ng iyong Lumikha. At nawa'y isentro mo ang iyong buhay sa pakikipagtagpo sa Diyos, hindi dahil sa obligasyon, kundi dahil sa labis Niyang pananabik na makipagtagpo sa iyo.

Panalangin

1. Pagnilayan ang pagnanais ng Diyos na makipagtagpo sa iyo.

"Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako sa kanyang tahanan at kakain kaming magkasalo." Pahayag 3:20

"Hindi ninyo ako pinili, kayo ang pinili ko." Juan 15:16

2. Ano ang ibig sabihin para sa iyong buhay na patuloy kang hinahabol ng iyong mapagmahal na Maylikha? Ano kaya ang pakiramdam na mamuhay ng isang buhay na minarkahan ng pagtugon sa pag-ibig ng Diyos sa bawat sandali?

3. Maglaan ng oras upang makipagtagpo sa Diyos. Tanungin Siya kung ano ang nararamdaman Niya para sa iyo. Hilingin sa Kanya na ipahayag ang Kanyang pagnanais para sa iyo. Tumugon sa Kanyang pagmamahal. Sabihin mo sa Kanya nang tapat ang nararamdaman mo.

"Itong buhay na taglay ko'y sa sinta ko nakalaan, sa akin siya'y nananabik, lagi akong inaasam." Ang Awit ni Solomon 7:10

"Tunay, Yahweh, di ko kayang maabot ang iyong isip, ang dami ng iyong balak ay hindi ko nababatid; kung ito ay bibilangin, ay sindami ng buhangin, sasaiyo pa rin ako kung umaga na magising." Mga Awit 139:17-18

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Centering Your Life Around Meeting With God

Ang buhay na ito ay minarkahan ng nag-iisang pagpili: kanino o saan natin isesentro ang ating buhay? Ang pagpiling ito ay nagdadala sa bawat isa sa atin sa landas ng mga desisyon na humuhubog sa kung sino tayo, kung ano ang nararamdaman natin, kung sino o ano ang ating pinahahalagahan, at kung ano ang ating magagawa sa pagtatapos ng ating mga araw. Ang pagsesentro ng ating buhay sa ating sarili o sa mga bagay ng mundong ito ay humahantong lamang sa pagkawasak.

More

Nais naming pasalamatan ang First15 sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.first15.org/