Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsesentro ng Buhay Mo sa Pakikipagtagpo sa DiyosHalimbawa

Centering Your Life Around Meeting With God

ARAW 1 NG 7

Pagpili ng Sentro

Ano kaya ang magiging hitsura ng ating buhay kung talagang nakasentro ang ating oras, lakas, emosyon, at mga hangarin sa pakikipagtagpo sa Diyos? Pinipili nating lahat na isentro ang ating buhay sa isang bagay o isang tao. Ginagawa ang bawat desisyon sa pamamagitan ng pansala ng kung ano ang pinakamahalaga sa atin. Para sa ilan sa atin, nakasentro ang ating buhay sa ating sarili. Para sa iba, itinutuon natin ang ating buhay sa mga opinyon ng iba. Gayunpaman, pinipili ng iba na isentro ang buhay sa isang ideya o konsepto, sa paniniwalang ito ang may pinakamataas na halaga. Dalangin ko na tayo, bilang katawan ni Cristo, ay magsimulang isentro ang ating buhay dito sa lupa sa pakikipagtagpo sa ating Lumikha dahil Siya ang pinakakarapat-dapat na tumanggap ng ating pinakamataas na pagpapahalaga.

Ang isentro ang ating buhay sa pakikipagtagpo sa Diyos ay ang pagbibigay-halaga sa pinakamagandang bagay.

Sinasabi ng Mga Awit 84:10-12, "Kahit isang araw lamang, mas gusto ko sa templo mo, kaysa isang libong araw na iba ang tahanan ko. Gusto ko pang maging bantay sa pinto ng iyong templo, kaysa ako'y tumira sa bahay ng mga palalo. Pagkat ang Panginoong Yahweh, pag-asa at sanggalang, kami'y pinagpapala mo sa pag-ibig mo at dangal. Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal. O Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang magtiwala sa iyo'y masasabing mapalad!"

Kapag inilalagay natin ang ating tiwala at pagpapahalaga sa Diyos, inilalagay natin ang ating sarili upang mamuhay sa maligayang pakikipag-isa sa Ama na nagmamahal sa atin. Nais ng ating Diyos na makipagtagpo sa atin. Hinahangad Niyang matikman natin at makita ang Kanyang kabutihan. Tanging sa pamumuhay para sa pakikipag-isa sa ating Lumikha higit sa lahat natin mararanasan ang hindi mailarawan at masaganang buhay na gustong ibigay sa atin ng Diyos.

Sasabihin ko sana sa iyo na ang Diyos ang sentro ng halos buong buhay ko. Sasabihin ko sana na si Jesus ang may pinakamataas na halaga sa akin; subalit, ang aking mga kilos, oras, iniisip, at damdamin ay hindi kailanman sumasalamin sa mga pahayag na iyon. Sa totoo lang, gumugugol tayo ng oras kasama ang mga pinakamamahal natin. Itinutuon natin ang ating mga damdamin, kilos, at kaisipan sa sinumang tao o bagay na lubos na pinahahalagahan natin. Malibang ang ating buhay ay ganap na nagpapakita ng kalagayan kung saan ito'y nakasentro kay Jesus, kailangan nating gumawa ng tapat na pagsusuri sa ating mga sarili at hilingin sa Diyos na tulungan tayong gumawa ng mga pagbabago. Dapat nating dalhin ang ating kabagabagan at kasalanan sa harap ng Diyos at hilingin ang Kanyang ganap na tulong sa pagbabagong-anyo sa atin bilang mga anak na minarkahan ng Kanyang presensya.

Ang pagsesentro sa ating buhay sa anumang bagay maliban kay Jesus ay magdadala lamang sa atin sa pagkabigo at kawalang-kasiyahan. Walang magandang maibibigay sa atin ang mundong ito. Ang pagsesentro ng ating mga buhay sa ating sarili ay magdadagdag lamang sa mga pasanin at bigat ng mundong ito. Ang isentro ang ating buhay sa mga tao ay hahantong lamang sa isang pabago-bagong emosyon na dulot ng pagkasira at kahinaan ng iba. Ang pagsesentro ng ating buhay sa isang ideya o konsepto ay pag-iimbak lamang ng kayamanan na kasing-tagal lamang nitong lumilipas na mundo.

Maglaan ng oras ngayon upang tingnan nang tapat ang iyong puso. Pahintulutan ang Banal na Espiritu na ihayag ang anumang paraan kung saan ang iyong buhay ay hindi nakasentro sa pakikipagtagpo sa Diyos. Ipagtapat ang anumang makamundo o makasariling gawain at sikaping isentro ang iyong buhay sa hindi kapani-paniwala, walang hangganang pakikipag-ugnayan sa iyong mabuti at mapagmahal na Ama sa langit.

Panalangin

1. Pagnilayan ang kahalagahan ng pagsesentro ng iyong buhay sa pakikipagtagpo sa Diyos. Hayaan ang Banal na Kasulatan na pukawin ang iyong puso upang ilagay ang pinakamataas na halaga sa pakikipag-isa sa iyong Lumikha.

'Si Yahweh ay mabuti sa mga nananalig at umaasa sa kanya." Mga Panaghoy 3:25

"Sa kabila ng lahat ng ito, isa lamang ang aking masasabi: Matakot ka sa Diyos at sundin mo ang kanyang mga utos sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao." Ang Mangangaral 12:13

2. Saan hindi nakasentro ang iyong buhay sa pakikipagtagpo sa Diyos? Saan mo inilalagay ang iyong pagpapahalaga, lakas, oras, at damdamin maliban kay Jesus?

"Bakit ko sinasabi ito, dahil ba sa nais kong mapuri ng tao? Hindi! Ang papuri lamang ng Diyos ang tangi kong hinahangad. Sinisikap ko bang magbigay-lugod sa tao? Hindi! Kung iyan ang talagang hangad ko, hindi na sana ako naging alipin ni Cristo." Mga Taga-Galacia 1:10

3. Hilingin sa Banal na Espiritu na tulungan kang gawing bago ang iyong buhay ngayon. Hilingin sa Kanya na ipakita sa iyo kung ano ang hitsura ng tunay na nakasentro ang iyong buhay sa pakikipagtagpo sa Diyos. Gumawa ng desisyon na pahalagahan ang iyong relasyon sa Diyos higit sa lahat.

"Kahit isang araw lamang, mas gusto ko sa templo mo, kaysa isang libong araw na iba ang tahanan ko. Gusto ko pang maging bantay sa pinto ng iyong templo, kaysa ako'y tumira sa bahay ng mga palalo. Pagkat ang Panginoong Yahweh, pag-asa at sanggalang, kami'y pinagpapala mo sa pag-ibig mo at dangal. Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal. O Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang magtiwala sa iyo'y masasabing mapalad!" Mga Awit 84:10-12

"Mahal ko silang lahat na sa aki'y nagmamahal, kapag hinanap ako nang masikap, tiyak na masusumpungan." Mga Kawikaan 8:17

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Centering Your Life Around Meeting With God

Ang buhay na ito ay minarkahan ng nag-iisang pagpili: kanino o saan natin isesentro ang ating buhay? Ang pagpiling ito ay nagdadala sa bawat isa sa atin sa landas ng mga desisyon na humuhubog sa kung sino tayo, kung ano ang nararamdaman natin, kung sino o ano ang ating pinahahalagahan, at kung ano ang ating magagawa sa pagtatapos ng ating mga araw. Ang pagsesentro ng ating buhay sa ating sarili o sa mga bagay ng mundong ito ay humahantong lamang sa pagkawasak.

More

Nais naming pasalamatan ang First15 sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.first15.org/