Pagsamba: Isang Aralin sa Mga AwitHalimbawa
Ano ang sinasabi nito?
Si David ay nanganlong sa Panginoon, umaasang tutugunin Niya ang kanyang mga panalangin.
Ano ang ibig sabihin nito?
Nang isinulat ni David ang Salmong ito, siya ay nagtatago kay Saul, na nag-akala na nais ni David ang kanyang trono. Bawat umaga, humihingi si David ng tulong mula sa Diyos, nanatiling nakatuon sa katangian ng Diyos, at umaasa sa pagliligtas ng Diyos. Natutunan niya ang mga bagay tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng paghihirap na hindi niya natutunan sa iba pang paraan. Ang pagtanggap ni David sa kapangyarihan at takdang panahon ng Diyos ay naging isang likas na bahagi ng kanyang buhay. Ang panahong ito ay nagdagdag ng kanyang karunungan at pagtitiwala sa Diyos, at hinubog siya bilang isang lalaki na magiging pinakadakila at pinakamamahal na hari ng Israel.
Paano ako dapat tumugon?
Alam na ng Diyos ang bawat paghihirap na iyong kinakaharap. Gayunpaman, mahalaga na dalhin ang bawat sitwasyon sa Kanya sa panalangin dahil ito ay magpapatibay ng iyong pananampalataya at magdadagdag ng iyong pagtitiwala sa Kanya. Maaaring kailanganin na tanggihan mo ang udyok na ilagay ang mga bagay sa iyong kamay habang ikaw ay naghihintay, subalit ang manipulasyon ay walang puwang sa buhay ng isang mananampalataya. Sa halip piliin na magtiwala sa katangian Niya na pinaglagakan mo ng iyong pananampalataya. Ang Diyos ay magpapala, mag-iingat, at magpapakita ng pabor sa Kanyang mga anak, kahit na hindi ito palaging katulad ng inaasahan natin. Gaya ni David, maaaring gamitin ng Panginoon ang panahon ng paghihintay upang gumawa ng isang bagay sa iyong puso at katauhan na hindi mangyayari sa ibang paraan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Mga Awit ay isang koleksyon ng mga tula at awit na isinulat sa loob ng 1,000 taon. Habang ang Mga Awit ay naglalaman ng masasayang papuri at malulungkot na panaghoy, ang buong aklat ay nagpapatotoo sa tapat na pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan sa bawat pagkakataon. Bilang sentro ng pagsamba sa Lumang Tipan, inaasahan ng bawat awit ang kasukdulan ng papuri sa Diyos sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo.
More