Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsamba: Isang Aralin sa Mga AwitHalimbawa

Worship: A Study in Psalms

ARAW 8 NG 106

Ano ang sinasabi nito?

Ang Panginoon ay tila malayo sa mga pakana ng masama. Ngunit maaari Niyang isaalang-alang ang mga ito at ipagtanggol ang mga inaapi na naghihintay sa Kanya para sa tulong.

Ano ang ibig sabihin nito?

Para sa salmista, tila ang Diyos ay nagtatago habang ang masasamang tao ay nagbabalak laban sa mga inosente at mahihina. Ang pagmamataas ang nag-udyok sa mga taong hindi makadiyos na ito na gumamit ng mga sumpa, kasinungalingan, at pagbabanta para salungatin ang Diyos at ang Kanyang bayan. Inisip nila na sila ay hindi magagapi, hindi masasaling, hindi nakikita, at hindi mananagot dahil nakakalusot sila sa kanilang mga nakakahiyang gawain. Itinuon muli ng salmista ang kanyang mga kaisipan sa alam niyang totoo: Nakikita at nalalaman ng Kanyang walang hanggang Diyos ang lahat at kayang ipagtanggol ang mga walang magawa. Habang ang kanyang puso at isipan ay matatag na nakasalig, ang manunulat ay may kumpiyansa na humingi sa Diyos ng pampatibay-loob at katarungan.

Paano ako dapat tumugon?

Nakikita natin ito araw-araw: ang mga hindi makadiyos na tao na nagdudulot ng pinsala sa ibang tao. Madalas na tila ang mga magnanakaw ng pagkakakilanlan at mga terorista ay nananalo sa labanan. Bumubulalas, nagte-text, nagti-tweet, at nagpo-post tayo tungkol sa kawalan ng katarungan, ngunit gaano ka kadalas pumunta nang direkta sa Isa na pinananagot ang lahat ng tao? Tungkol sa anong isyu ang kailangan mong paglaanan ng oras sa panalangin sa halip na mas maraming oras sa telepono o online? Sa katunayan, sa iyong buhay, maaaring hindi mo makitang ganap na nabibigyan ng hustisya ang isyu na mas mahalaga. Gayunpaman, makatitiyak ka na mananagot sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ang masasama at mapagmataas.

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Worship: A Study in Psalms

Ang Mga Awit ay isang koleksyon ng mga tula at awit na isinulat sa loob ng 1,000 taon. Habang ang Mga Awit ay naglalaman ng masasayang papuri at malulungkot na panaghoy, ang buong aklat ay nagpapatotoo sa tapat na pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan sa bawat pagkakataon. Bilang sentro ng pagsamba sa Lumang Tipan, inaasahan ng bawat awit ang kasukdulan ng papuri sa Diyos sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Thomas Road Baptist Church para sa babasahing ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin: http://www.trbc.org