Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsamba: Isang Aralin sa Mga AwitHalimbawa

Worship: A Study in Psalms

ARAW 10 NG 106

Ano ang sinasabi nito?

Bumangon ang Panginoon upang protektahan ang mahihina at nangangailangan mula sa mga mapanlinlang na tao. Gayunpaman, nadama ni David na nakalimutan siya habang naghihintay sa Panginoon. Ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos ang pumuno sa kanya ng awit.

Anong ibig sabihin nito?

Ang pananaw ni David ay nakasalalay sa kung saan niya inilagay ang kanyang pagtuon. Nang nakinig siya sa mga pagmamayabang ng kanyang mga kaaway at nakita lamang ang kanyang mga kalagayan, ang pakiramdam niya'y tila nagtatago ang Diyos, at iniwan siyang mag-isa sa pag-iisip at damdamin. Ngunit nang pinili ni David na tumuon sa pag-ibig ng Diyos at sa pagiging maaasahan ng sinabi ng Diyos, napuno siya ng nag-uumapaw na pasasalamat sa lahat ng ginawa at gagawin ng Diyos. Nang magbago ang pagtutuon ni David, nagbago rin ang kanyang emosyon. Hindi siya nakalimutan. Ang Salita ng Diyos ay maaasahan, at ang Kanyang pag-ibig ay matatag

Paano ako dapat tumugon?

Hindi natin maiwasang makita ang mga pangyayari sa paligid natin. Maaaring mapuno ka ng mga negatibong emosyon kapag tila walang magandang nangyayari saan mang direksyon ka tumingin. Kapag nangyari iyon, sundin ang halimbawa ni David - huminto sa pagtingin sa paligid at piliin na tumingala. Maaari kang tumugon sa iyong mga kalagayan o tumugon sa Salita ng Diyos at sa Kanyang pag-ibig. Higit pa ito sa pagkakaroon ng positibong saloobin: ito ay ganap na pagtitiwala sa Isa na pinakamahusay na makakagawa para sa iyo. Nakikita ng Diyos ang mangyayari pagkatapos ng kasalukuyang krisis. Ano kaya ang ginagawa ng Panginoon na hindi mo nakikita? Paano naging mabuti ang Diyos sa iyo, kahit na sa gitna ng mga nangyayaring pagsubok? Isulat ang tatlong bagay na maaari mong ipagpasalamat sa Kanya ngayon. Pagkatapos ay piliin ngayon na ituon ang iyong mga iniisip sa pagmamahal at pangangalaga ng Diyos sa iyo.

Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

Worship: A Study in Psalms

Ang Mga Awit ay isang koleksyon ng mga tula at awit na isinulat sa loob ng 1,000 taon. Habang ang Mga Awit ay naglalaman ng masasayang papuri at malulungkot na panaghoy, ang buong aklat ay nagpapatotoo sa tapat na pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan sa bawat pagkakataon. Bilang sentro ng pagsamba sa Lumang Tipan, inaasahan ng bawat awit ang kasukdulan ng papuri sa Diyos sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Thomas Road Baptist Church para sa babasahing ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin: http://www.trbc.org