O Yahweh, kami sana'y iligtas mo! Pagkat wala na ngayong mabuting tao, wala nang taong tapat at totoo. Nagsisinungaling silang lahat sa isa't isa, nagkukunwari at nagdadayaan sila. Patigilin mo, Yahweh, ang madaldal na dila, at sarhan ang bibig ng hambog magsalita; silang laging nagsasabi, “Kami'y magsasalita ng nais namin; at sa gusto nami'y walang makakapigil!” “Darating na ako,” sabi ni Yahweh, “Upang saklolohan ang mga inaapi. Sa pinag-uusig na walang magkupkop, hangad nilang tulong ay ipagkakaloob!” Ang mga pangako ni Yahweh ay maaasahan, ang katulad nila'y pilak na lantay; tinunaw sa hurnong hinukay, pitong beses na pinadalisay. Kami, Yahweh, ay lagi mong ingatan, sa ganitong mga tao ay huwag pabayaan; Ang masasamang tao'y nasa lahat ng lugar, ang mga gawang liko ay ikinararangal!
Basahin Mga Awit 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Mga Awit 12:1-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas