Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsamba: Isang Aralin sa Mga AwitHalimbawa

Worship: A Study in Psalms

ARAW 1 NG 106

Ano ang sinasabi nito?

Ang Diyos ay nagpapala at nagbabantay sa mga matuwid. Ang Haring Pinili ng Panginoon ay mamamahala at hahatol sa mundo. Ang matatalinong tagapamahala ay pinagpapala at binibigyan ng kanlungan habang sila ay naglilingkod at nagpaparangal sa Kanya.

Ano ang ibig sabihin nito?

Ang Mga Awit 1 ay nagpapakita ng isang malaking kaibahan sa pagitan ng matuwid at masama. Ang dalawa ay tumutukoy sa kung paano nila ginugugol ang kanilang oras at ang kalalabasan ng kanilang mga hangarin sa buhay. Ang taong maka-diyos ay nakakasumpong ng layunin sa buhay sa pamamagitan ng pagbabasa at pagbubulay ng Kasulatan sa halip na sa pakikinig sa mga hindi maka-diyos na mga mapagkukunan ng payo. Habang ang mapagbantay na mata ang Panginoon ay gumagabay sa mga taong nasa Kanya, ang tumatanggi sa Panginoon ay piniling mamuhay sa labas ng Kanyang pag-iingat. Ang Mga Awit 2 ay nagpapahayag ng darating na galit ng Anak ng Diyos sa mga taong patuloy na tumatanggi sa Kanya. Ang mga matatalino ay nakakasumpong sa Anak at naglilingkod sa Kanya sa halip na makipagsabwatan laban sa Kanya.

Paano ako dapat tumugon?

Kung paano mo ginugugol ang iyong oras ay magsasabi tungkol sa iyo. Ang iyo bang kasalukuyang mga hangarin ay mailalarawan bilang maka-diyos? Isipin kung saan nagmula ang bawat nakahiligan. Sinunod mo ba ang pangunguna ng Banal na Espiritu pagkatapos manalangin at magnilay-nilay ng Salita ng Diyos. O naimpluwensiyahan ka ba ng mga taong tumanggi sa kapangyarihan ng Diyos sa kanilang buhay? Bilang isang taga-sunod ni Cristo, ikaw ay nasasakupan ng Kanyang katuwiran, na nagbibigay sa iyo ng ibang buhay at kinabukasan kaysa sa mga tumatanggi sa Kanya. Ngayon, magpasiya na itaguyod lang kung ano ang sumasalamin sa layunin ng Diyos at patnubay ng Banal na Espiritu.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Worship: A Study in Psalms

Ang Mga Awit ay isang koleksyon ng mga tula at awit na isinulat sa loob ng 1,000 taon. Habang ang Mga Awit ay naglalaman ng masasayang papuri at malulungkot na panaghoy, ang buong aklat ay nagpapatotoo sa tapat na pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan sa bawat pagkakataon. Bilang sentro ng pagsamba sa Lumang Tipan, inaasahan ng bawat awit ang kasukdulan ng papuri sa Diyos sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Thomas Road Baptist Church para sa babasahing ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin: http://www.trbc.org