Pagsamba: Isang Aralin sa Mga AwitHalimbawa
Ano ang sinasabi nito?
Ang awit ng kagalakan ni David ay pinuri ang Panginoon bilang isang matuwid na Hukom sa mga masasama.
Ano ang ibig sabihin nito?
Si David ay nagsalita mula sa karanasan tungkol sa pagiging mapagkakatiwalaan ng Panginoon. Ang Kanyang presensya ay isang lugar na matataguan kapag dumating ang mga problema; ang mga tumatawag sa Kanyang pangalan ay hindi mabibigo. Mula sa pananaw na ito, isang propesiya ang isinulat ni David na isang araw ang lahat ng mga kaaway ng Israel ay magagapi. Ang Diyos ay matuwid na kikilos sa ngalan ng Kanyang bayan katulad ng ginawa Niya nang personal kay David. Pagkatapos ay bumalik siya sa kanyang kasalukuyang buhay, kung saan kinailangan niya pa rin ang awa ng Diyos. Pinuri ni David ang Panginoon at humingi ng tulong sa Kanya na sinasabi, "Huwag kang tumigil ngayon Panginoon!" Ang dahilan sa kahilingan ni David ay nagpapahayag kung bakit siya ay "isang taong mula sa puso ng Diyos” – hinangad niya na purihin nang hayagan ang Panginoon sa Zion.
Paano ako dapat tumugon?
Ang ilang tao ay tumigil sa pagpunta sa simbahan dahil hindi sinagot ng Diyos ang isang panalangin ayon sa kanilang gusto sa isang pagkakataon, at ipinalagay nila na hindi Siya nagpaunlak sa kanila. Nabigo ka na ba sa naging pangangasiwa ng Diyos sa isang partikular na bagay? Maaaring sinisikap Niya na ibigay sa iyo ang isang bagay na mas higit pa sa kagyat na kaginhawahan – ang kaalaman ng kanyang malapit na presensya. Palaging may kaguluhan sa mundong ito, ngunit ang Panginoon ang ating mapagkakatiwalaang kanlungan. Anuman ang Kanyang tugon ay matuwid at makatarungan. Sabihin sa isang tao ngayon kung ano ang nagawa na ng Diyos alang-alang sa iyo, kahit nananalangin ka pa rin ng tungkol sa isang mahirap na sitwasyon.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Mga Awit ay isang koleksyon ng mga tula at awit na isinulat sa loob ng 1,000 taon. Habang ang Mga Awit ay naglalaman ng masasayang papuri at malulungkot na panaghoy, ang buong aklat ay nagpapatotoo sa tapat na pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan sa bawat pagkakataon. Bilang sentro ng pagsamba sa Lumang Tipan, inaasahan ng bawat awit ang kasukdulan ng papuri sa Diyos sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo.
More