Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsamba: Isang Aralin sa Mga AwitHalimbawa

Worship: A Study in Psalms

ARAW 6 NG 106

Ano ang sinasabi nito?

Ang pangalan ng Panginoon ay mas marilag sa kahit na ano sa Mundo, karapatdapat sa papuri. Kung isasaalang-alang ang kadakilaan ng nilikha ng Diyos – bakit Niya binigyan ang sangkatauhan ng kaluwalhatian, karangalan at pangangalaga?

Ano ang ibig sabihin nito?

Kahit na nakasilip lamang si David sa malawak na kalikasan ng sandaigdigan, nanliit siya nang makita niya ang mundo sa paligid niya at pinagnilayan ang Diyos na lumikha ng lahat ng ito nang may ganoong detalye at katumpakan. Ganoon pa man, ang kahanga-hangang Diyos ay lumikha ng mga tao, binigyan sila ng pamamahala sa lahat ng Kanyang nilikha, at binigyang-pansin ang kanilang mga buhay. Mula sa lahat ng mga bagay na may buhay na Kanyang ginawa, bakit bibigyan ng Diyos nang ganoong pansin ang sangkatauhan? Hindi katulad ng mga ibon, isda, at tupa, ang mga tao ay nilikha ayon sa sariling wangis ng Diyos. Ang sangkatauhan mismo ay kayang magkaroon ng kaugnayan sa Panginoon, nagbibigay ng higit sa sapat na dahilan upang kilalanin ang Kanyang kaluwalhatian at purihin ang Kanyang maganda at marilag na pangalan.

Paano ako dapat na tumugon?

Mas matagal kang nasa isang bagay, mas malamang na ipagwawalang-bahala mo ito. Depende sa kung saan ka nakatira, maaaring palagi mong nakikita ang magagandang tanawin ng mga bundok, ang malalawak na kapatagan, o ang kalawakan ng karagatan na abot-tanaw. Ngunit kailan ka huling tumigil upang pagnilayan ang iyong nakita? Magplano ng ilang oras ngayong linggo na umakyat ng bundok, panoorin ang pagsikat o paglubog ng araw, o tingnan ang mga bituin. Kapag narating mo na ang iyong paroroonan, basahin ang Mga Awit 8 bilang isang tanda ng pagsamba. Malamang na aalis ka sa lugar na iyon na may isang bagong damdamin ng pagkamangha at isang panibagong pagpapahalaga para sa iyong relasyon sa ating kahanganga-hangang Diyos.

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Worship: A Study in Psalms

Ang Mga Awit ay isang koleksyon ng mga tula at awit na isinulat sa loob ng 1,000 taon. Habang ang Mga Awit ay naglalaman ng masasayang papuri at malulungkot na panaghoy, ang buong aklat ay nagpapatotoo sa tapat na pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan sa bawat pagkakataon. Bilang sentro ng pagsamba sa Lumang Tipan, inaasahan ng bawat awit ang kasukdulan ng papuri sa Diyos sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Thomas Road Baptist Church para sa babasahing ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin: http://www.trbc.org