Pagsamba: Isang Aralin sa Mga AwitHalimbawa
![Worship: A Study in Psalms](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F32323%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ano ang sinasabi nito?
Nagtiwala si David sa Diyos na kanyang tagapagligtas, kahit na maraming mga kaaway ang humabol sa kanya. Tumingin siya sa Panginoon, na mahabagin at matuwid, at siya ay natulog nang payapa.
Ano ang kahulugan nito?
Si David ay tumakas sa kanyang taksil na anak na si Absalom, na hindi lang nagnakaw ng trono ng kanyang ama kundi naghangad din na wakasan ang kanyang buhay. Sa gitna ng kalunus-lunos na mga pangyayari, ang puso ni David ay payapa upang makatulog nang mahimbing. Paano? Alam niya na nakatayo siya sa panig ng Diyos at may tiwala sa kakayahan ng Diyos na iligtas siya. Habang siya ay nakahiga sa gabi, nanalangin si David para sa kaginhawahan, na nakatuon sa kung anong alam niyang totoo – ang kanyang matuwid at mahabaging Diyos na dumirinig at nag-iingat sa Kanyang bayan. Ang nakapanlulumong yugto sa buhay ng hari ay naging isang pagkakataon upang danasin ang mapag-ibayong presensya ng kanyang Panginoon.
Paano ako dapat tumugon?
Ang pag-aalala at pagkabigo ay maaaring umagaw ng iyong kinakailangang pahinga. Kapag ikaw ay nasa gitna ng hindi mapagkatulog na gabi, maaari kang tumuon sa mga problema na nagpapanatili sa iyong gising o kausapin Siya na nakakakilala sa iyo at batid ang loob at labas ng problema. Sabihin Sa Diyos kung ano ang iyong nararamdaman, humanap ng mga dahilan upang ipahayag ang pasasalamat, at purihin Siya sa mga aspeto ng Kanyang katangian na partikular na may kaugnayan sa sitwasyon. Pagkatapos ay pakawalan ang iyong mga alalahanin sa Kanya at handang tanggapin kung paano Siya kikilos. Ang kapayapaan ng Diyos ay hindi isang produkto ng nagbabagong mga pangyayari kundi resulta ng walang pag-aalinlangang pagtitiwala sa Kanyang katangian (Fil. 4:6-8).
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Worship: A Study in Psalms](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F32323%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang Mga Awit ay isang koleksyon ng mga tula at awit na isinulat sa loob ng 1,000 taon. Habang ang Mga Awit ay naglalaman ng masasayang papuri at malulungkot na panaghoy, ang buong aklat ay nagpapatotoo sa tapat na pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan sa bawat pagkakataon. Bilang sentro ng pagsamba sa Lumang Tipan, inaasahan ng bawat awit ang kasukdulan ng papuri sa Diyos sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo.
More