Sagutin mo po ang aking pagtawag, O Diyos, na aking kalasag! Sa kagipitan ko, ako'y iyong tinulungan, kaawaan mo ako ngayon, dalangin ko'y pakinggan. Kayong mga tao, hanggang kailan ninyo ako hahamakin? Ang walang kabuluhan at kasinungalingan, hanggang kailan ninyo iibigin? (Selah) Dapat ninyong malamang itinalaga ni Yahweh ang matuwid, kapag tumatawag ako sa kanya, siya'y nakikinig. Huwag hayaang magkasala ka nang dahil sa galit; sa iyong silid, pag-isipa't ika'y manahimik. (Selah) Nararapat na handog, inyong ialay, pagtitiwala n'yo'y kay Yahweh ibigay. Tanong ng marami, “Sinong tutulong sa atin?” Ikaw, O Yahweh ang totoong mahabagin! Puso ko'y iyong pinuno ng lubos na kagalakan, higit pa sa pagkain at alak na inumin. Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing, pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin.
Basahin Mga Awit 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 4:1-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas