Mga Awit 4:1-8
Mga Awit 4:1-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sagutin mo po ang aking pagtawag, O Diyos, na aking kalasag! Sa kagipitan ko, ako'y iyong tinulungan, kaawaan mo ako ngayon, dalangin ko'y pakinggan. Kayong mga tao, hanggang kailan ninyo ako hahamakin? Ang walang kabuluhan at kasinungalingan, hanggang kailan ninyo iibigin? (Selah) Dapat ninyong malamang itinalaga ni Yahweh ang matuwid, kapag tumatawag ako sa kanya, siya'y nakikinig. Huwag hayaang magkasala ka nang dahil sa galit; sa iyong silid, pag-isipa't ika'y manahimik. (Selah) Nararapat na handog, inyong ialay, pagtitiwala n'yo'y kay Yahweh ibigay. Tanong ng marami, “Sinong tutulong sa atin?” Ikaw, O Yahweh ang totoong mahabagin! Puso ko'y iyong pinuno ng lubos na kagalakan, higit pa sa pagkain at alak na inumin. Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing, pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin.
Mga Awit 4:1-8 Ang Salita ng Dios (ASND)
O Dios na aking Tagapagtanggol, sagutin nʼyo po ako kapag akoʼy tumatawag sa inyo. Hindi ba noon tinulungan nʼyo ako nang akoʼy nasa kagipitan? Kaya ngayon, maawa kayo sa akin at pakinggan ang dalangin ko. Kayong mga kumakalaban sa akin, kailan kayo titigil sa inyong paninirang puri sa akin? Hanggang kailan ninyo iibigin ang mga bagay na walang kabuluhan at magpapatuloy sa kasinungalingan? Dapat ninyong malaman na ibinukod ng PANGINOON ang mga banal para sa kanyang sarili. Kaya kung tatawag ako sa PANGINOON, pakikinggan niya ako. Kapag kayoʼy nagagalit, huwag kayong magkakasala. Habang nakahiga kayo sa inyong higaan, tumahimik kayo at magbulay-bulay. Magtiwala kayo sa PANGINOON at mag-alay sa kanya ng tamang mga handog. Marami ang nagsasabi, “Sino ang magpapala sa amin?” PANGINOON, kaawaan nʼyo po kami! Pinaliligaya nʼyo ako, higit pa kaysa sa mga taong sagana sa pagkain at inumin. Kaya nakakatulog ako ng mapayapa, dahil binabantayan nʼyo ako, O PANGINOON.
Mga Awit 4:1-8 Ang Biblia (TLAB)
Sagutin mo ako, pagka tumatawag ako, Oh Dios ng aking katuwiran; inilagay mo ako sa kaluwagan, nang ako'y nasa kagipitan: maawa ka sa akin, at dinggin mo ang aking dalangin. Oh kayong mga anak ng tao, hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian? Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan, at hahanap sa kabulaanan? (Selah) Nguni't talastasin ninyo na ibinukod ng Panginoon sa ganang kaniyang sarili ang banal: didinggin ng Panginoon pagka ako'y tumawag sa kaniya. Kayo'y magsipanginig, at huwag mangagkasala: mangagbulaybulay kayo ng inyong puso sa inyong higaan, at kayo'y magsitahimik. Mangaghandog kayo ng mga hain ng katuwiran, at ilagak ninyo ang inyong tiwala sa Panginoon. Marami ang mangagsasabi, sinong magpapakita sa amin ng mabuti? Panginoon, pasilangin mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin. Ikaw ay naglagay ng kasayahan sa aking puso, ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil, at kanilang alak ay magsidami. Payapa akong hihiga at gayon din matutulog: sapagka't ikaw, Panginoon, pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan.
Mga Awit 4:1-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sagutin mo po ang aking pagtawag, O Diyos, na aking kalasag! Sa kagipitan ko, ako'y iyong tinulungan, kaawaan mo ako ngayon, dalangin ko'y pakinggan. Kayong mga tao, hanggang kailan ninyo ako hahamakin? Ang walang kabuluhan at kasinungalingan, hanggang kailan ninyo iibigin? (Selah) Dapat ninyong malamang itinalaga ni Yahweh ang matuwid, kapag tumatawag ako sa kanya, siya'y nakikinig. Huwag hayaang magkasala ka nang dahil sa galit; sa iyong silid, pag-isipa't ika'y manahimik. (Selah) Nararapat na handog, inyong ialay, pagtitiwala n'yo'y kay Yahweh ibigay. Tanong ng marami, “Sinong tutulong sa atin?” Ikaw, O Yahweh ang totoong mahabagin! Puso ko'y iyong pinuno ng lubos na kagalakan, higit pa sa pagkain at alak na inumin. Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing, pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin.
Mga Awit 4:1-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sagutin mo ako, pagka tumatawag ako, Oh Dios ng aking katuwiran; Inilagay mo ako sa kaluwagan, nang ako'y nasa kagipitan: Maawa ka sa akin, at dinggin mo ang aking dalangin. Oh kayong mga anak ng tao, hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian? Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan, at hahanap sa kabulaanan? (Selah) Nguni't talastasin ninyo na ibinukod ng Panginoon sa ganang kaniyang sarili ang banal: Didinggin ng Panginoon pagka ako'y tumawag sa kaniya. Kayo'y magsipanginig, at huwag mangagkasala: Mangagbulaybulay kayo ng inyong puso sa inyong higaan, at kayo'y magsitahimik. Mangaghandog kayo ng mga hain ng katuwiran, At ilagak ninyo ang inyong tiwala sa Panginoon. Marami ang mangagsasabi, Sinong magpapakita sa amin ng mabuti? Panginoon, pasilangin mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin. Ikaw ay naglagay ng kasayahan sa aking puso, Ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil, at kanilang alak ay magsidami. Payapa akong hihiga at gayon din matutulog: Sapagka't ikaw, Panginoon, pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan.