Pagtagumpayan ang PagkagumonHalimbawa

Pagkilala sa Iyong Sariling Pagkagumon
Marahil ay tinatanong mo ang iyong sarili: Saan ako tutungo mula dito?
Ang pagkagumon ay may kasamang mabuti at masamang balita. Nalilito? Ipagpatuloy ang pagbabasa.
Ang masamang balita ay lahat tayo ay gumon sa isang bagay. Oo, lahat tayo ay gumon sa isang bagay. Ang bawat tao'y naghahangad mapunan ang isang pakiramdam na tila may kulang na maaari lamang punan ng Diyos. Kung pababayaan tayo sa ating sariling paggawa at sa ating mga pagsisikap, lahat tayo ay makakaramdam ng pangungulila at kakulangan. Ang masamang balita sa maikling salita? Imposible para sa iyo na makahanap ng kumpletong kapayapaan at kabuuan sa iyong sarili.
Ngunit, sa kabila ng masamang balita, ang magandang balita ay sadyang mabuti. Ipinagkaloob sa atin ng Diyos si Jesu-Cristo. Sa pamamagitan ni Cristo, pinahina ng Diyos ang pagkakahawak ng mga pagkagumon sa atin. At habang kinikilala natin ang ginawa ni Jesus para sa atin, ang ating mga pagkagumon ay unti-unting nawawalan ng kapangyarihan sa tulong ng Banal na Espiritu. Ang unang hakbang sa prosesong ito ay ang pagkilala sa ating sariling mga pagkagumon.
Narito ang ilang tanong upang matulungan kang makilala ang mga disenyo ng pagkagumon:
- Anong mga sitwasyon ang nagiging dahilan kung bakit ako hindi komportable?
- Ito ang udyukan na nagdudulot ng mga pakiramdam ng pagkabalisa o stress. Ang mga sitwasyong ito ay nagdadala sa atin upang hanapin ang ating mga pagkagumon para maging mas mabuti ang ating pakiramdam.
- Anong mga emosyon o damdamin ang lubos na hindi komportable para sa akin?
- Ang papel na ginagampanan ng pagkagumon at ang layunin ng iyong pagkagumon ay upang paginhawahin ang pagkabalisang ito. Bawat isa sa atin ay may mga damdaming tumatakot sa atin o nagdadala sa atin upang mas maging lantad tayo sa sakit. Gusto nating patahimikin ito at makakuha ng lunas agad-agad. Ang ating mga pagkagumon ang ating mabilis na paraan ng pag-aayos.
- Anong mga maling desisyon ang gusto kong mabawi?
- Ito ang mga bagay na nagdadala sa atin sa pagkagumon. Maaaring ang mga ito ay paggamit ng sangkap, init ng ulo, tsismis, pagsisinungaling, pagpapasaya sa mga tao, pornograpiya, pakikipagtalik, pagkakabukod, trabaho, pagkontrol sa pag-uugali, pagmamanipula sa salita, pagsusugal, ehersisyo, pagkain, at marami pang iba.
- Ano ang magiging anyo ng maka-Diyos na pananaw sa ganitong sitwasyong, o ano ang sasabihin ng Diyos sa akin para tulungan ako?
- Tinutulungan tayo nitong umatras at suriin ang sitwasyon dahil alam natin na ang Diyos ang may kontrol, nagmamahal sa atin, at may mapagmahal na layunin para sa sitwasyon ng ating buhay. Magbibigay din Siya ng kapayapaan, magbibigay ng ginhawa mula sa ating pasanin, at kapangyarihan laban sa tukso.
Ang pagkilala sa mga konkretong bagay na nagdadala sa atin sa pagkagumon ay madali. Ang pag-aalis sa mga bagay ng pagkagumon ay maaaring maging mas mahirap. Sa pamamagitan ng malalim na pagmumuni-muni sa ating mga sarili, ang paggamit ng mga mungkahing ito ay makakatulong sa iyong makita ang mapagmahal na layunin ng Diyos habang ginagawa ang Kanyang malalim na pagpapagaling para sa iyong buhay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

May pagkagumon ka ba o may kilala kang tao na mayroon nito? Ang mga pagkagumon ay napaka karaniwan na sa katunayan, lahat tayo ay mayroon nito na hindi bababa sa 1 o 2. Sa seryeng ito, si Dr. Karl Benzio, isang Cristianong psychiatrist, ay gumagamit ng mga sikolohikal na agham tungkol sa kung paano idinisenyo ng Diyos ang ating isipan upang gumana at ipakita ang sanhi at sintomas ng pagkagumon, pagkatapos ay tinutulungan tayong maunawaan kung paano gamitin ang lunas na inihayag ng Diyos sa Biblia upang mabago ang ating isip at hanapin ang kalayaan sa mga nakakahumaling na idolo ng ating puso.
More