Pagtagumpayan ang PagkagumonHalimbawa

Ano ang Pagkagumon?
Alam nating lahat na ang pagkagumon ay maaaring nakamamatay. Subalit alam mo ba na ang mga pagkamatay dahil sa pagkagumon ay nangunguna pa kaysa sa sakit sa puso at kanser? Ang ilang karaniwang pagkamatay na dahil sa mga pagkagumon ay mas kilala sa atin kaysa sa iba—tulad ng heroin, pagmamaneho ng lasing, sigarilyo, at pag-inom ng alak, habang ang iba ay hindi gaano halatang pagkagumon tulad ng pagkain—na maaaring humantong sa labis na katabaan, diabetes, sakit sa puso, at stroke—madalas nating hindi pinapansin.
Ang mga pagkagumon ay nakakaapekto sa atin hindi lamang sa pisikal, kundi pati na rin sa sikolohikal at espirituwal. Maglaan tayo ng kaunting oras upang tanggalin ang tabing ng pagkagumon para iligtas ang ating katawan, isip, at espiritu.
Ang mga pagkagumon ay nahahati sa dalawang pangunahing kategorya:
- Mga pagkagumon sa sangkap—ang mga ito ay may kinalaman sa mga kemikal. Ang mga karaniwang halimbawa ay alak, caffeine, marijuana, cocaine, heroin, at mga inireresetang gamot.
- Prosesong mga pagkagumon—kabilang dito ang ating pag-uugali. Kasama sa mga karaniwang pagkagumon sa proseso ang pagsusugal, pornograpiya, pamimili, at ehersisyo.
Ang medikal na pagsusuri ng pagkagumon ay may 11 sintomas:
- Nakakaligtaang mga pangunahing tungkulin sa paaralan, tahanan, o trabaho
- Nagpapatuloy sa kabila ng pisikal na pinsala
- Madalas na paghahangad o matinding pagnanais na gamitin ang sangkap o gawain na hindi nararapat
- Madalas na problema sa pakikisalamuha o mga relasyon
- Kailangan ng higit pa upang makuha ng parehong epekto
- Mga sintomas ng withdrawal
- Paggamit ng mas madami o paggugol ng mas maraming oras sa sangkap o pag-uugali kaysa sa dapat
- Mga bigong pagsisikap sa pagtigil
- Makabuluhang dami ng oras, enerhiya, at pag-iisip hinggil sa sangkap o pag-uugali
- Ang oras na ginugol sa sangkap o pag-uugali ay higit pa sa oras na ginugol sa panlipunan, trabaho, o masasayang aktibidad
- Patuloy na paggamit sa kabila ng maraming nakakapinsalang kahihinatnan
Nakikita mo ba ang alinman sa mga sintomas sa itaas sa iyo o sa isang kaibigan?
0-1: Walang problema
2-3: Hindi gaanong matindi
4-5: Katamtaman
>6: Malala
Sa madaling salita, ang pagkagumon ay kapag ang isang bagay ay nakakapinsala sa iyo sa ilang paraan at hindi mo mapigilan ang paggawa nito. Kinokontrol at sinasaktan ka ng pagkagumon. Walang sinuman ang nagsimulang gumamit ng isang mapaminsalang sangkap o pag-uugali na umasang ito ang magkokontrol sa kanila. Gayunpaman, madalas nating hinahayaan ang mga bagay na ito na mangyari. Tingnan ang iyong sarili sa loob ng isang minuto. Anong sangkap o pag-uugali sa buhay mo, kung iyong aalisin, ay higit na magpapahirap sa buhay mo? Sapat pa rin ba ang Diyos para sa iyo?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

May pagkagumon ka ba o may kilala kang tao na mayroon nito? Ang mga pagkagumon ay napaka karaniwan na sa katunayan, lahat tayo ay mayroon nito na hindi bababa sa 1 o 2. Sa seryeng ito, si Dr. Karl Benzio, isang Cristianong psychiatrist, ay gumagamit ng mga sikolohikal na agham tungkol sa kung paano idinisenyo ng Diyos ang ating isipan upang gumana at ipakita ang sanhi at sintomas ng pagkagumon, pagkatapos ay tinutulungan tayong maunawaan kung paano gamitin ang lunas na inihayag ng Diyos sa Biblia upang mabago ang ating isip at hanapin ang kalayaan sa mga nakakahumaling na idolo ng ating puso.
More