Pagtagumpayan ang PagkagumonHalimbawa

Pagkagumon Ayon sa Pakahulugan ng Diyos
Noong 2015, si Ronda Rousey, isang babaeng kalahok ng Ultimate Fighting Championship, ang nangunguna sa balita at sa loob ng kulungan ng UFC. Ayon sa isang analyst sa sports, "Natagpuan niya ang kanyang kahulugan at talagang nagustuhan niya ang kanyang natagpuan." Ngunit nagharap sila ni Holly Holm. Ang animo'y di-matalo-talong si Ronda Rousey ay napatumba at natalo.
Nagkaroon siya ng matinding depresyon. Sinabi niya, "Ano pa ako kung hindi ito?" Nawala ang kanyang pagkakakilanlan. Bakit?
Sa buong Biblia, nakikita natin ang mga tao na sumasamba sa mga idolo. Kapag sinabi ko ang salitang "idolo," marahil iniisip mo ang isang sinaunang imahen o bagay. Ang diyus-diyosan ay anumang inilalagay nating mas mataas ang halaga kaysa sa Diyos. Nakikita natin ito sa unang kautusan, "“Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin." (Exodo 20:3).
Sa pamamagitan ng Kanyang Salita, ipinakikita ng Diyos kung paano nakakabit ang pagkagumon sa pagsamba sa mga idolo. Sa huli, ang pagkagumon ay isang isyu ng espirituwalidad at pagsamba sa mga idolo. Tingnan natin kung paano nauugnay ang pagkagumon sa pagsamba sa mga idolo.
Una, pareho ang pagkagumon at pagsamba sa mga idolo kapag mayroong isang bagay o tao na mayroong higit na kapangyarihan kaysa sa Diyos. Kapag nagugumon tayo, ibinibigay natin ang higit na halaga o importansiya sa isang bagay o tao kaysa sa nararapat. Walang ibang dapat na may pangwakas na kapangyarihan sa atin kundi ang Diyos lamang.
Pangalawa, nangyayari ang pagkagumon at pagsamba sa mga idolo kapag mayroong bagay o tao na nagmamay-ari sa atin. Kapag mayroong isang bagay o tao na nagdidikta sa ating pag-uugali, maaaring nahulog na tayo sa pagkagumon at pagsamba sa mga diyus-diyosan. Maaari rin nating binabago ang ating pag-uugali upang mas tanggapin tayo ng iba. Ito ay palatandaan din ng pagkagumon at pagsamba sa mga idolo.
Ikatlo, nangyayari ang pagkagumon at pagsamba sa mga diyus-diyosan kapag may bagay tayo na sinasamba o dinadakila bukod sa Diyos. Saan mo inilalaan ang karamihan ng iyong oras? Sa social media? Bakit parang mamamatay ka kapag kinuha ang iyong telepono? Saan mo ginagamit ang karamihan ng iyong pera? Saan mo ibinibigay ang karamihan ng iyong enerhiya o pagsisikap? Lahat ng mga tanong na ito ay maaaring makatulong sa pagkilala sa isang pagkagumon o idolo.
Sa pagbabalik-tanaw sa medikal na kahulugan kahapon, at sa pag-uugnay sa biblikal na kahulugan nito sa araw na ito, narito ang mas malawak na kahulugan ng pagkagumon: paghabol sa isang bagay maliban sa Diyos nang paulit-ulit, kinagawian o magkakatulad na paraan upang matugunan ang ating mga pangangailangan at magdulot ng kaginhawahan sa atin kahit na ito ay nakakasama sa atin.
Kapag nahaharap ka sa mga pagsubok o tensyon, saan ka tumatakbo? Saan mo nakukuha ang kaluwagan o kaginhawahan? Ang iyong mga sagot ay maaaring magpakita ng iyong mga idolo at pagkagumon.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

May pagkagumon ka ba o may kilala kang tao na mayroon nito? Ang mga pagkagumon ay napaka karaniwan na sa katunayan, lahat tayo ay mayroon nito na hindi bababa sa 1 o 2. Sa seryeng ito, si Dr. Karl Benzio, isang Cristianong psychiatrist, ay gumagamit ng mga sikolohikal na agham tungkol sa kung paano idinisenyo ng Diyos ang ating isipan upang gumana at ipakita ang sanhi at sintomas ng pagkagumon, pagkatapos ay tinutulungan tayong maunawaan kung paano gamitin ang lunas na inihayag ng Diyos sa Biblia upang mabago ang ating isip at hanapin ang kalayaan sa mga nakakahumaling na idolo ng ating puso.
More