Pagtagumpayan ang PagkagumonHalimbawa

Paano Nagugumon ang Isang Tao?
Napanood mo na ba ang “Sharknado”—ang una, pangalawa, o pareho? Naglaan kami ng buong linggo sa mga pating, na nakakuha ng pinakamataas na marka ng taon sa Discovery Channel. Gustong-gusto ng ating kultura ang magandang kuwento tungkol sa pating. Ang pinakanakakaakit sa amin sa pelikula at palabas sa TV ay ang pagtuklas sa ilalim ng dagat at makita ang mga pating sa komplikadong mundo ng dagat.
Sa maraming mga paraan, upang maayos na maunawaan ang pagkagumon, kailangan nating gawin din ang ganitong bagay —pumunta sa ilalim at subuking unawain ang komplikadong mundo ng pagkagumon. Maraming tao ang nag-iisip na mababaw ang pagkagumon, ngunit katulad ng napag-usapan natin, ang mga ugat nito ay mas malalim. Ang pagkagumon ay kapag nagpupunyagi o sumasamba tayo sa anumang bagay maliban sa Diyos upang matugunan ang ating pangangailangan.
Ano ang mga pangangailangang iyon? Kadalasan ang mga pangangailangan ay nagmumula sa "stressors." Ang stressors ay anumang kaganapan, tao, sitwasyon, pag-iisip, o pakiramdam na magdadala sa iyo sa labas ng iyong comfort zone.
Ang ilang stressors ay maaaring maging positibo —simula ng bagong taon sa paaralan, sport, relasyon, o libangan. Ang mga pagbabagong ito ay mabuti, ngunit kasama nito ang mga bagong kagipitan at inaasahan.
Ang ilang stressor ay maaaring negatibo—pagkabalisa, kalungkutan, depresyon, panggigipit ng mga kasamahan, o kawalan ng kapanatagan. Ang mga damdaming ito ay maaaring lumitaw mula sa iba't ibang mga sitwasyon. Marahil ay hindi kayo nagkakasundo ng iyong mga magulang o kapatid. Marahil ay nakakuha ka ng masamang marka sa isang pagsusulit, o kakahiwalay lang sa iyong kasintahan.
Kung minsan ang mga masasamang stressor na ito ay nagpapatuloy sa paglipas ng panahon, at lumalalim. Maaari itong magdulot ng kalituhan, kawalan ng layunin, pagkawala ng pagkakakilanlan, o kawalan ng katiyakan tungkol sa Diyos.
Ginawa tayo ayon sa larawan ng Diyos. Dahil dito, dapat nating harapin ang ating mga stressor sa paraan na ginawa sa atin ng Diyos, ang ating taga-disenyo, sa halip na payagan ang ating mga stressor na magdala sa atin sa pagkagumon. Nilikha tayo ng Diyos sa isang paraan na ang ating tunay na kaligayahan at kaginhawahan ay matatagpuan lamang sa Kanya. Ang lahat ng iba pang solusyon ay pansamantala, at sa maraming pagkakataon ay mas masahol pa tayo kaysa noong una tayong nagsimula.
Kung hahabulin natin ang mga pansamantalang solusyon sa halip na dalhin ang ating mga stressor sa Diyos, magkakaroon tayo ng mga diyus-diyosan at pagkagumon. Sa wakas, nagbigay ang Diyos ng pinakamagandang solusyon para sa mga sakit na ating nararanasan—ang buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

May pagkagumon ka ba o may kilala kang tao na mayroon nito? Ang mga pagkagumon ay napaka karaniwan na sa katunayan, lahat tayo ay mayroon nito na hindi bababa sa 1 o 2. Sa seryeng ito, si Dr. Karl Benzio, isang Cristianong psychiatrist, ay gumagamit ng mga sikolohikal na agham tungkol sa kung paano idinisenyo ng Diyos ang ating isipan upang gumana at ipakita ang sanhi at sintomas ng pagkagumon, pagkatapos ay tinutulungan tayong maunawaan kung paano gamitin ang lunas na inihayag ng Diyos sa Biblia upang mabago ang ating isip at hanapin ang kalayaan sa mga nakakahumaling na idolo ng ating puso.
More