Pagtagumpayan ang PagkagumonHalimbawa
![Overcoming Addiction](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3143%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang Pagkagumon ba ay Isang Kasalanan, Sakit, o Sikolohikal na Depekto?
Sa serye ng pelikula klasiko na Ice Age, nakilala natin ang isang baliw na ardilya na nagngangalang Scrat. Sa buong pelikula ay makikita siyang humahabol sa isang acorn na hindi kailaman niya nakuha. Maraming tao ang pabirong maglalarawan kay Scrat bilang isang nahuhumaling, o isang nagumon sa acorn. Maaaring ang iyong mga magulang ay nagumon sa kape tulad ng pagkagumon ni Scrat sa acorn. Madalas tayong magbiruan tungkol sa pagkagumon, ngunit maaari itong maging napaka seryoso.
Ang pagkagumon ay nakakaapekto sa ating espiritu, isip, at katawan.
- Espirituwal na epekto—Ang isang nagumon sa katagalan ay pinapalitan ang Diyos bilang sentro ng kanilang buhay ng isang bagay o ibang tao.
- Epekto sa isip—Ang paulit-ulit na gawain ng maling pagdedesisyon ay nagpapalakas ng kanilang pagkagumon at nakakagambala ang kanilang pag-iisip.
- Epekto sa katawan—Ang mga kahihinatnan mula sa kanilang mga maling desisyon ay nagdudulot ng stress at pagkabalisa. Ang mga SPECT at MRI scans ay nagpapakita kung paano ito nakakagambala at nababago ang dating maayos na sistema sa utak.
Ang isang mas mahusay na paraan upang maunawaan kung paano nauugnay ang tatlong bagay na ito ay sa pamamagitan ng isang computer.
- Ang ating utak ay parang isang hardware—ang screen, mouse, hard drive, wires, atbp
- Ang ating isip ay parang operating system—ito ay gumagawa ng mga desisyon at nagsasabi sa hardware kung paano magproseso at maglabas ng impormasyon.
- Iniuugnay tayo ng ating espiritu sa Diyos sa parehong paraan na pinipili ng may-ari ng computer kung susundin o hindi ang mga tagubilin o plano ng taga-disenyo.
Ang Diyos ay tulad ng taga-disenyo at tagagawa ng computer. Ang computer ay pinakamahusay na gumagana kapag ang hardware ay gumagana nang maayos at ang ating operating system ay na-update. Ganun din sa mga cellphone. Naisip mo ba ang kalalabasan kapag sinubukan mong patakbuhin ang iPhone ng isang Android na operating system? Hindi ito gagana! Bakit? Dahil ang buong makina ay nilalayong gumana sa isang tiyak na paraan. Ang ating buhay ay pinakamahusay na gumagana kapag ang isip, katawan, at espiritu ay gumagana ayon sa plano at disenyo ng Diyos. Ang palagiang pagpili ng isang bagay maliban sa Diyos ay isang depekto sa isip at katawan at ito'y kasalanan. Ito ay nagiging isang pagkagumon kapag ito ay naging isang palagiang gawain.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Overcoming Addiction](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3143%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
May pagkagumon ka ba o may kilala kang tao na mayroon nito? Ang mga pagkagumon ay napaka karaniwan na sa katunayan, lahat tayo ay mayroon nito na hindi bababa sa 1 o 2. Sa seryeng ito, si Dr. Karl Benzio, isang Cristianong psychiatrist, ay gumagamit ng mga sikolohikal na agham tungkol sa kung paano idinisenyo ng Diyos ang ating isipan upang gumana at ipakita ang sanhi at sintomas ng pagkagumon, pagkatapos ay tinutulungan tayong maunawaan kung paano gamitin ang lunas na inihayag ng Diyos sa Biblia upang mabago ang ating isip at hanapin ang kalayaan sa mga nakakahumaling na idolo ng ating puso.
More