Mas Mabuting DaanHalimbawa
Walang Patid na Habag
Pakiramdam mo ba minsan na manhid ka na sa mga pangangailangan ng iba, o maaaring hindi mo lang talaga kayang pahalagahan ang lahat ng masasamang balitang naririnig mo?
Dahil palagi tayong konektado sa balita, hindi kataka-takang ang ating empatiya ay nababawasan. Ngunit ang kawalan ng pakialam na ito ay magsasanhi sa ating makaramdam ng kahungkagan.
Tiyak na may mas mabuting pamamaraan ng pamumuhay.
Ang kahuli-hulihang bersikulo ng 1 Mga Taga-Corinto 12 ay nagbibgay ng kaliwanagan sa atin:
… At ipapakita ko sa inyo ang isang daan na walang kahambing. 1 Mga Taga-Corinto12:31 ABTAG01
Pagkatapos na pagkatapos ng pangungusap na iyan, itinuloy na ni Pablo sa kinikilalang kabanata ng pag-ibig sa Biblia. Binabasa ito sa mga kasalan, at malimit na ihinahabi ito ng mga tao sa mga sumpa ng pag-ibig habang isinasalarawan nila ang uri ng pag-ibig na nais nilang makamtan.
Ngunit sinisimulan ito sa nakaaantig na panawagan na magmahal at magpamalas ng habag:
Kung ako'y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, subalit wala akong pag-ibig, ako'y nagiging isang maingay na pompiyang, o batingaw na umaalingawngaw.1 Mga Taga-Corinto 13:1 ABTAG01
Kung wala tayong pag-ibig, wala tayong pakinabang. At kaya nga ang tugon ni Jesus sa katanungan patungkol sa dalawang pinakadakilang kautusan ay ang ibigin ang Diyos at ang ibigin ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.
Matapos ang tugon na iyan, itinuloy ni Jesus sa isang kuwento na naglalarawan ng hinihingi sa ating gawin ng pag-ibig at habag. Tinatawag natin itong Talinhaga ng Mabuting Samaritano, at sa kuwento, makikita natin ang isang lalaking binugbog sa tabi ng daan. Dinaanan lang siya ng isang pari, at ganoon din ang ginawa ng isang Levita.
Ngunit, isang kinamumuhiang Samaritano ang nagpakita sa lalaki ng habag. Inalagaan niya ang mga sugat nito, dinala sa bahay-panuluyan, at nag-alok na bayaran ang anumang karagdagan pang gastusin. Ang habag niya ang nag-udyok sa kanyang may gawin at magsakripisyo.
Ang kapansin-pansin ay ang hindi ginawa ng Samaritano. Hindi siya nagtanong ni nagpalagay ng mga konklusyon. Bagkus sinimulan niya sa pagpapakita ng habag. Hindi niya nakita ang isang lalaking nakahandusay sa tabing-daan at nag-isip ng, “Naku, ano kaya ang ginawa niya para maging karapat-dapat ng ganito?” Hindi niya hinatulan ito. Pinagmalasakitan niya ito.
Makikita nating iminodelo ni Jesus ang ganito sa Juan 8, nang hingan si Jesus ng mga lider sa relihiyon ng opinyon tungkol sa isang babaing nahuli sa pangangalunya. Sa kautusan ay ipinag-utos na batuhin ang babae, ngunit nakita ni Jesus ang pagkakataong mahalin siya.
Iminungkahi Niyang sinumang walang kasalanan sa kanila ang unang bumato, hangga't sa Siya—ang kaisa-isang hindi kailanman nagkasala—ang nag-Iisang nananatili. Sinalubong Niya ang mga mata ng babae ngunit hindi upang hatulan ito at bagkus upang imbitahan itong huwag nang magkasala at mamuhay nang ayon sa Kanyang mas mabuting pamamaraan.
Tinatawagan tayong mamuhay nang may kaparehong uri ng habag. Hindi natin trabaho ang humatol. Bagkus, tinatawagan tayong kumonekta.
Manalangin: O Diyos, napagtatanto kong manhid ako sa paghihirap ng iba. Tulungan akong tanggihan ang kaginhawahang iyan at bagkus ay piliin ang habag. Durugin ang aking puso sa nakapagdudurog ng iyong puso, at ipakita sa akin kung paanong kumonekta sa iba sa Iyong pamamaraan. Sa pangalan ni Jesus, amen.
Gawin: Mag-isip ng isang paraan na makapagpapakita ka ng habag sa ibang tao ngayon. Tapos, gawin mo na.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nararamdaman mo ba paminsan na ginagawa mo naman ang lahat ng alam mong tama ngunit panay masama ang kinalalabasan? Maaaring sinusubukan mong kumonekta sa Diyos, ngunit pakiramdam mo'y napakalayo mo sa Kanya. Kung malapit ka nang maupos, ang 7-araw na Gabay sa Biblia na ito, na kasama ng serye ng mga mensahe ni Pastor Craig Groeschel, ay para sa'yo. Oras nang tigilang magtrabaho para kay Jesus at simulang maglakad sa daan ni Jesus.
More