Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mas Mabuting DaanHalimbawa

A Better Way

ARAW 4 NG 7

Walang Pagkalingat sa Pagtupad ng Misyon

Naramdaman mo ba ang tila mahila sa milyong iba't ibang direksiyon dahil sa walang patid na kailangan mong asikasuhin sa buhay? Paminsan pakiramdam natin labis na mas marami ang pananagutan natin kaysa kaya nating pangasiwaan, at kalauna'y nauupos at nababalisa tayo.

Ngunit paano kung may mas mainam na pamamaraan? 

Si Jesus ay labis at lubos na nakatuon sa Kanyang misyon—upang hanapin at iligtas ang naliligaw—ngunit hindi Siya kailanman nagmadali, naguluhan, o nalingat. Kaya't kung tinatawag tayong sumunod kay Jesus, tama lang na masalamin sa buhay natin ang Kanyang mga prayoridad at Kanyang kumpas. 

Marami tayong matututunan sa kung paano ipinatupad ni Jesus ang Kanyang misyon sa ikalawang kabanata ng Marcos. Inilalarawan Siya nitong naglalakad—hindi nagmamadali, at bagkus ay naglalakad—hangga't sa masumpungan Niya ang kilalang-kilalang maniningil ng buwis na si Levi. 

Ang karamihang tao ay mas marahil na umayaw at masuklam kay Levi dahil sa kanyang trabaho. Malamang na dinaya niya sa pera ang mga tao at tinuturing na “tiwali.” Iba ang pamamaraan ni Jesus.  

Inanyayahan ni Jesus si Levi na sumunod sa Kanya. Naglakad sila patungo sa bahay ni Levi, kung saan kumain si Jesus kasama ng maraming kilalang mga makasalanan at maniningil ng buwis. Ang mga Pariseo—mga mamumuno sa relihiyon noong mga panahong iyon—ay galit na galit. 

Hindi nila maintindihan kung bakit nagawa ni Jesus na kumain kasama ng mga makasalanan, at ang simpleng tugon ni Jesus ay: 

… “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang maysakit. Naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga matuwid.” Marcos 2:17 RTPV05

Malinaw si Jesus sa kung para saang mga bagay Siya naparito at para saang hindi. Hindi si Jesus naparito upang mapaglubag ang loob ng mga mamumuno sa relihiyon. Pumarito Siya upang mapagaling ang mga nahihirapan, ang mga naliligaw, at ang mga bagbag ang puso. 

Ano ang matututunan natin tungkol sa Kanya mula sa maikling siping ito?  

  1. Naparito si Jesus upang iligtas ang naliligaw. Kung sumusunod tayo kay Jesus, tinatawagan tayong gawin ang ginawa Niya at mahalin ang mga minahal Niya. Ang tanong ay—nag-uukol ba tayo ng panahon sa paghahanap ng mga naliligaw? At kung hindi, paano natin mapasisimulang gawing prayoridad to?  
  2. Si Jesus ay hindi kailanman nagmamadali. Punahin na si Jesus ay naglalakad nang tawagin Niya si Levi. Hindi tumatakbo. Hindi nagmamadali. Naglalakad. Kaya't, kung sumusunod tayo kay Jesus, makatwirang ang kumpas natin ay tulad ng sa Kanya. Sa pag-iisip mo patungkol sa iyong buhay, mailalarawan mo ba itong nagmamadali o hindi nagmamadali? Paano mo magagawang magdahan-dahan nang talagang makasunod sa paglalakad ni Jesus?  
  3. Hindi pinayagan ni Jesus ang opinyon ng iba na gambalain ang Kanyang pagkamasunurin. Nang binatikos Siya ng mga Pariseo, hindi Siya naging depensibo o galit. Malinaw ngunit matatag Siya sa kung bakit Siya naparito. Nanatili Siyang konektado sa Kanyang misyon sa kabila ng mga katanungan ng ibang tao. Kaya't, konsiderahin natin ito: Pinapayagan ba natin ang mga opinyon ng ibang tao na maging mas mahalaga kaysa ating pagkamasunurin sa Diyos?  
  4. Nag-ukol si Jesus ng oras sa mga tao at tinanggap sila sa Kanyang hapag. Makikita natin si Jesus na nangangaral at kumakain kasama ng maraming tao sa kabuuan ng Kanyang ministeryo. Lubos Niyang pinahalagahan ang pakikipag-ugnayan. Tayo din ba? O pinayagan na natin ang ating kasarinlan na maging mas mahalaga kaysa ating paglilingkod? 

Hindi natin kailangang mamuhay sa walang-patid na istress at kaguluhan ng isip. Bagkus, maaari nating piliin—tulad ni Jesus—na manatiling walang pagkalingat sa pagtupad ng Kanyang misyon. Maaari nating isantabi ang mga nakagagambala at igugol ang ating panahon sa mga gawaing magpapahintulot sa ating mahalin ang Diyos at ating kapwa. 

Manalangin: O Diyos, tulungan akong bigyan ng prayoridad ang mga bagay na nais Mong bigyang-diin. Alisin ang anumang mga nakagagambala na nagpapabigat sa akin at humahadlang sa akin sa pinakamahalagang bagay. Ipakita sa akin kung paanong makapamuhay nang walang pagkalingat sa pagtupad ng Iyong misyon. Sa pangalan ni Jesus, amen. 

Gawin: Isipin kung paano kang makapaglilingkod sa iba itong linggong ito. Tapos, gawin mo na! 

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

A Better Way

Nararamdaman mo ba paminsan na ginagawa mo naman ang lahat ng alam mong tama ngunit panay masama ang kinalalabasan? Maaaring sinusubukan mong kumonekta sa Diyos, ngunit pakiramdam mo'y napakalayo mo sa Kanya. Kung malapit ka nang maupos, ang 7-araw na Gabay sa Biblia na ito, na kasama ng serye ng mga mensahe ni Pastor Craig Groeschel, ay para sa'yo. Oras nang tigilang magtrabaho para kay Jesus at simulang maglakad sa daan ni Jesus.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/