Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mas Mabuting DaanHalimbawa

A Better Way

ARAW 2 NG 7

Banayad na Kumpas ng Pagpapala

Napagnanakawan ka ba ng kapayapaan ng tulin ng buhay mo? Isipin mo itong nakalipas na linggo. Ilang beses kang nag-aapura—nagmamadali mula sa isang gawain tungo sa sunod pa na hindi mo tuloy lubusang makaniig ng mga taong nasa harapan mo na? Ilang beses mong nasabi ang, “Ok naman ako, abala lang” kapag tinatanong kung kamusta ka?

Ang tulin na ito ay hindi kailanman magbubunga ng isang puso ng kapayapaan, kaya’t mananatili na lang tayo sa paulit-uli na pagiging abala, nai-istress, at naguguluhan. Ngunit dumating si Jesus na may alok na mas mabuting daan.

Ngayon, lilinawin ko lang: Ang daan ni Jesus ay hindi madali, ngunit hindi ito abala—masdan na lang ang buhay niya.

Ang pampublikong ministeryo ni Jesus ay hindi nagsimula hangga’t sa edad na 30. At sa ating mga pamantayan, masasabi nating mabagal ang pagsisimulang ito. Ang unang ginawa ni Jesus ay magpa-bautismo, at bago Niya ginawa ang unang himala, tumanggap Siya ng pagpapasigla ng kalooban mula sa Kanyang Ama:

… “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!”.” Mateo 3:17 RTPV05

At matapos ang kamangha-manghang sandaling iyon, hindi pa rin oras para sa isang himala. Ang sunod na tinungo ni Jesus ay 40 na araw sa ilang.

Ang misyon Niya ay mahalaga, ngunit ang pamamaraan Niya ay matiyaga. At nang magsimula na si Jesus gumawa ng mga himala at mangaral sa mga madla, nag-ukol pa rin Siya ng oras na mapag-isa at magpahinga. Tingnan ang Lucas 5:

Ngunit lalo pang kumalat ang balita tungkol kay Jesus, kaya't dumaragsa ang napakaraming tao upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga sakit. Ngunit si Jesus naman ay pumupunta sa mga ilang na lugar upang manalangin. Lucas 5:15-16 NIV

Kung si Jesus—ang Anak ng Diyos—ay alam na kailangan Niya ng oras kasama ng Kanyang Ama, ano pa kaya tayo?

Tayo—tulad ni Jesus—ay kailangang pagyamanin ang kagawiang pagbibigay sa Diyos ng pinakamagaling natin habang pinagtitiwalan Siya para sa lahat ng iba. Inaanyayahan tayo ni Jesus sa Mateo 11:28 RTPV05 ng:

“ Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.”

Hindi tayo idinisenyo para palaging maging abala at nabibigatan. Kaya’t maaari tayong mamili.

Maaari tayong magpatuloy na gamitin ang ating kaabalahan na mapagkukunan ng pagpapahalaga sa ating sarili, na magreresulta sa buhay na puno ng istress at pagpupunyagi. O maaari nating tanawin ang ating kaabalahan na isang paanyaya na tanggapin ang regalo ng Diyos na kapahingahan sa pagdadala ng ating mga pag-aalala sa Kanya.

Wala kang kailangang patunayan sa Iyong Manlilikha. Hindi mo kailangang pagpaguran ang Kanyang pag-apruba o ipaglaban ang Kanyang atensyon.

Oras na upang bitawan ang ating pag-aapura at yapusin ang banayad na kumpas ng pagpapala.

Manalangin: O Diyos, napagtanto kong namumuhay ako sa kumpas ng buhay na hindi ko makayanan. Istress at kaguluhan ang nararamdaman ko, ngunit nais kong yapusin ang Iyong mas mabuting daan ng pamumuhay. Tulungan akong lubos na tanggapin at angkinin ang Iyong regalo na kapahingahan, at ipakita sa akin kung paanong makapamuhay nang malaya sa pag-aapura, kaabalahan, at pagpupunyagi. Nagtitiwala ako sa Iyo. Sa pangalan ni Jesus, amen.

Gawin: Magpasyang mag-ukol ng limang minuto bawat araw sa katahimikan at katiwasayan, upang marinig kung may sinasabi ang Diyos sa’yo.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

A Better Way

Nararamdaman mo ba paminsan na ginagawa mo naman ang lahat ng alam mong tama ngunit panay masama ang kinalalabasan? Maaaring sinusubukan mong kumonekta sa Diyos, ngunit pakiramdam mo'y napakalayo mo sa Kanya. Kung malapit ka nang maupos, ang 7-araw na Gabay sa Biblia na ito, na kasama ng serye ng mga mensahe ni Pastor Craig Groeschel, ay para sa'yo. Oras nang tigilang magtrabaho para kay Jesus at simulang maglakad sa daan ni Jesus.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/