Pagsunod kay Jesus na Ating TagapamagitanHalimbawa
Si Jesus ang Ating Tagapamagitan
Sa buong linggong ito nakita natin si Jesus na nakisalamuha sa mga mahihirap, inaapi, natatakot, makasalanan, lahat ng hinamak ng lipunan. Sa sukdulang pagkilos ng pamamagitan, sa Kanyang kamatayan, at pagkabuhay na muli, pinasan Niya ang kaparusahan para sa lahat ng ating mga kasalanan upang tayo ay maipagkasundo sa Diyos nang isang beses at para sa lahat.
Mula sa isang Study Bible ng Africa learn note na pinamagatang “Jesus, Humanity’s Mediator”:
Ang pamamagitan ay binuo sa mga kulturang Aprikano bilang isang makapangyarihang kasangkapan para sa paglutas ng salungatan. Ayon sa kaugalian, karamihan sa mga kasal sa Africa ay isinaayos sa presensya ng mga ninong at ninang. Ito ang mga taong pinupuntahan ng mag-asawa kung sakaling magkaroon ng problema na nangangailangan ng taga-pamagitan. Kapag ang mga komunidad ay nagkakasalungatan ngayon, ang mga matatanda mula sa magkabilang partido ay nagpupulong sa presensya ng isang ikatlong partido upang makipag-ayos para sa kapayapaan. Kapag ang mga bansa ay nakikipagdigmaan, ang United Nations ay nagpapadala ng mga sugo ng kapayapaan upang subukang wakasan ang mga labanan. Ang mga ninong at ninang, mga ikatlong partido, at mga sugo ng kapayapaan ay gumaganap ng tungkulin bilang tagapamagitan. Sila ang namamagitan sa pagitan ng mga partidong may hidwaan upang makatulong na maibalik ang pagkakasundo at kapayapaan.
Si Cristo ay dumating bilang tagapamagitan—perpektong tagapamagitan. Wala Siyang kasalanan at inosente Siya sa mga krimen na ginawa natin. Subalit bilang tagapamagitan sa pagitan ng makapangyarihan at walang kapangyarihan, Siya ang pumalit sa atin.
Nagbayad si Cristo ng pinakamataas na halaga at nangako na ang sinumang naniniwala sa Kanya ay hindi tatanggap ng parusang iyon. Sa halip, ang isang taong naniniwala sa Kanya ay tatanggap ng buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan ni Cristo, at sa pamamagitan lamang Niya, maaaring maging mapayapa ang mga tao sa Diyos. “Sapagkat iisa ang Diyos, at tanging si Jesu-Cristo lamang ang taong tagapamagitan sa atin at sa Diyos. Inihandog niya ang kanyang buhay upang tubusin ang lahat mula sa kasalanan.” (1 Timoteo 2:5-6).
Pagnilayan o Talakayin
Bakit kailangan natin si Jesus upang ating tagapamagitan?
Si Jesus ay nagsilbing perpektong tagapamagitan, tinatanggap ang kaparusahang para sa ating mga kasalanan. Sa iyong palagay, bakit handang gawin ito ni Jesus para sa atin?
Mapayapa ka ba sa Diyos? Kung hindi, ano ang tanging paraan para makipagkasundo ka sa Kanya?
Kung hindi mo pa nailalagay ang iyong tiwala kay Jesus, ang dakilang tagapamagitan ng sangkatauhan, huwag hayaang lumipas ang isang araw nang hindi ka nakahanap ng taong makakasama mo upang ipanalangin ang tungkol dito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Isang bulag na pulubi ang desperadong umiiyak sa gilid ng daan, isang makasalanang babaeng kinamumuhian ng maranagal na lipunan, isang tiwaling kawani ng pamahalaan na kinasusuklaman ng lahat, paano aasa ang mga taong ito na nasa laylayan ng lipunan na makaugnay sa isang banal na Diyos? Ayon sa mga pananaw mula sa aklat ng Lucas sa Africa Study Bible, sundan si Jesus habang pinupunuan Niya ang puwang sa pagitan ng Diyos at ng mga napabayaang pangkat ng lipunan.
More