Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsunod kay Jesus na Ating TagapamagitanHalimbawa

Following Jesus Our Mediator

ARAW 5 NG 7

Si Jesus at Ang Nagdurusa

Ang pagdurusa, tulad ng kahirapan, ay may maraming anyo. Binigyang-pansin ni Jesus ang mga nagdurusa sa pisikal o espirituwal at tumugon sa kanilang mga pakiusap.

Mula sa isang Study Bible ng Africamga salawikain at mga kuwento na pinamagatang “Blind Enough to See”:

May isang popular na kasabihan sa maraming mga kultura ng Afrika, lalo na sa mga Mendi ng Sierra Leone, na "ang batang pinakaiyakin ang nakatatanggap ng maraming atensyon ng ina."

Hindi kaya ng pulubing bulag sa daang patungong Jericho ang habulin si Jesus, ngunit nakuha niya ang pansin ni Jesus sa paggamit ng kanyang boses. Siya ay sumigaw—at nakuha niya ang pansin ni Jesus tulad ng sumisigaw na bata na nakakakuha ng pansin ng mga magulang.

Ang pagtawag kay Jesus sa pananampalataya, anupaman ang iyong sitwasyon, ay makakakuha ng Kanyang pansin. Dito nagsisimula ang sagot sa iyong panalangin. Hindi mo kailangang magdusa sa katahimikan o dalhin ang pasanin nang mag-isa; Si Jesus ay malapit at kailangan mo lamang tawagan ang Kanyang pangalan sa panalangin.

Pagnilayan o Talakayin

Base sa reaksyon ng bulag tila alam na niya kung sino si Jesus. Ano kaya ang narinig niya tungkol kay Jesus?

Tinawag siya ng karamihan na "Jesus na taga-Nazaret", ngunit tinawag siya ng bulag na "Jesus, Anak ni David". Ano ang sinasabi sa atin ng dalawang magkaibang pangalan na ito tungkol kay Jesus?

Bakit sa palagay mo'y tinanong pa ni Jesus ang bulag kung ano ang gusto niya kahit malinaw naman kung ano ito?

Mayroon ka bang pinagdurusahan ngayon na kailangan mo ang tulong ni Jesus? Sabihin sa Kanya ang tungkol dito sa pamamagitan ng panalangin.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Following Jesus Our Mediator

Isang bulag na pulubi ang desperadong umiiyak sa gilid ng daan, isang makasalanang babaeng kinamumuhian ng maranagal na lipunan, isang tiwaling kawani ng pamahalaan na kinasusuklaman ng lahat, paano aasa ang mga taong ito na nasa laylayan ng lipunan na makaugnay sa isang banal na Diyos? Ayon sa mga pananaw mula sa aklat ng Lucas sa Africa Study Bible, sundan si Jesus habang pinupunuan Niya ang puwang sa pagitan ng Diyos at ng mga napabayaang pangkat ng lipunan.

More

Nais naming pasalamatan ang Oasis International Ltd sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://Oasisinternationalpublishing.com