Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsunod kay Jesus na Ating TagapamagitanHalimbawa

Following Jesus Our Mediator

ARAW 1 NG 7

Ang Misyon ni Jesus

Sa puntong ito sa buhay ni Jesus, kumakalat na ang mga balita tungkol sa Kanya sa rehiyon at ang mga tao sa Kanyang bayan ng Nazaret ay naging mausisa. Para sagutin ang kanilang mga tanong, si Jesus, nang Siya na ang magbabasa ng Banal na Kasulatan sa sinagoga, ay binuksan ang kasulatan ni Isaias at binasa ang isang sinaunang propesiya tungkol sa Kanyang sarili at sa Kanyang misyon. Siya ay naparito upang ibigay ang “Magandang Balita” sa mga mahihirap, mga bihag, mga bulag, at mga inaapi. Minahal ng Diyos kahit na ang mga pinakamababa at sinimulang gawin ang isang plano upang iligtas sila—isang plano na sa huli ay kailangang tuparin sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus na ating tagapamagitan.

Mula sa isang Study Bible ng Africamga salawikain at mga kwento na pinamagatang “Uneasy Truths”:

Ang mga tao sa Nazaret ay sumalungat kay Jesus dahil inaakala nilang hinahatulan sila ni Jesus nang Kanyang binanggit ang mga Hentil na nakatanggap ng biyaya ng Diyos sa halip na ang mga Judio (Lucas 4:23-28). Isang salawikaing Igbo ng timog-silangang Nigeria ang nagsasabing, “Kapag ang tuyong mga bato ay binanggit, ang matatandang dalaga ay laging hindi mapakali.” 

Sa tuwing nariring ng mga tao ang katotohanan tungkol sa kanilang sarili, hindi sila mapakali. Marahil ang isang mensaheng hindi nakakaantig sa mga tao ay walang katotohanang maipapamuhay ng mga nakikinig. 

Habang binabasa mo ang Banal na Kasulatan, maaaring nahaharap ka sa mahihirap na mga kasabihan at masasakit na katotohanan. Ang susi ay ang pagbabasa at pakikinig gamit ang iyong puso upang buksan ang mensahe ni Cristo.

Pagnilayan o Talakayin

Paano ba inilarawan ni Jesus ang Kanyang misyon? 

Sa papaanong mga paraan mo magagamit ang Kanyang misyon sa iyong buhay? 

Sa kabila ng misyon ni Jesus na pagdadala ng Magandang Balita, ang mga tao sa sarili Niyang bayan ay tinaggihan Siya. Bakit sa palagay mo, na kahit namangha sila sa Kanyang magiliw na mga salita, ay lubha silang nagalit sa katotohanang Kanyang sinabi?

May kilala ka bang tunay na ipinamumuhay ang magandang balita ni Jesus? Anong matututunan mo sa kanila?

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Following Jesus Our Mediator

Isang bulag na pulubi ang desperadong umiiyak sa gilid ng daan, isang makasalanang babaeng kinamumuhian ng maranagal na lipunan, isang tiwaling kawani ng pamahalaan na kinasusuklaman ng lahat, paano aasa ang mga taong ito na nasa laylayan ng lipunan na makaugnay sa isang banal na Diyos? Ayon sa mga pananaw mula sa aklat ng Lucas sa Africa Study Bible, sundan si Jesus habang pinupunuan Niya ang puwang sa pagitan ng Diyos at ng mga napabayaang pangkat ng lipunan.

More

Nais naming pasalamatan ang Oasis International Ltd sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://Oasisinternationalpublishing.com