Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsunod kay Jesus na Ating TagapamagitanHalimbawa

Following Jesus Our Mediator

ARAW 3 NG 7

Si Jesus at ang Makasalanan

Hindi kailanman itinuring ni Jesus ang sinumang napakamakasalanan para mapatawad. Tinanggap Niya maging ang mga hinahamak ng lipunan.

Mula sa isang tala sa Study Bible ng Africa na aplikasyon na pinamagatang “The Scent of Forgiveness”:

Tayong lahat ay bigong mamuhay ayon sa sinasabi ng Diyos. Ang ating mga kasalanan ay nakakasakit sa iba, kung minsan nang malubha. Sabik ang mga tunay na mananampalatayang mapatawad, kapwa ng Diyos at ng mga taong nasaktan natin.

Sa kuwentong ito, isang makasalanang babae ang desperado na makahanap ng kapatawaran kaya nangahas siyang pumasok sa bahay ng isang mahalagang lider ng relihiyon. Siya ay hindi imbitado, hindi karapat-dapat, at tinatanggihan. Sa kababaang-loob, isinubsob niya ang sarili sa harapan ni Jesus. Siya ay umiyak. Pumatak ang kanyang mga luha sa Kanyang mga paa, at hinalikan niya ang Kanyang mga paa at pinatuyo gamit ang kanyang buhok. Habang binuhusan niya ng mamahaling pabango ang mga paa Nito, napuno ng halimuyak ang silid.

Maaaring patawarin tayo o hindi ng ibang tao kapag nagkasala tayo sa kanila. Ngunit kapag ibinababa natin ang ating sarili sa pagpapakumbaba sa paanan ni Jesus na may pusong bagbag at nagsisisi dahil sa ating mga kasalanan, hindi Niya tayo itutulak palayo. Sinasabi Niya sa atin, "Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”

Pagnilayan at talakayin

Ang babae sa kuwentong ito ay namuhay nang napakamakasalanan at nakagawa ng malaking kasamaan sa paningin ng Diyos. Sa iyong palagay, bakit siya pinatawad ni Jesus?

Pakiramdam mo ba'y hindi ka karapat-dapat na tawaging anak ng Diyos? Bakit o bakit hindi?

Kung ipagtatapat mo kay Jesus ang iyong mga kasalanan, patatawarin ka ba Niya? Ano ang itinuturo sa atin ng kuwentong ito tungkol sa kahandaan ng Diyos na patawarin tayo?

Paano tayo dapat tumugon sa kapatawarang iyan?

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Following Jesus Our Mediator

Isang bulag na pulubi ang desperadong umiiyak sa gilid ng daan, isang makasalanang babaeng kinamumuhian ng maranagal na lipunan, isang tiwaling kawani ng pamahalaan na kinasusuklaman ng lahat, paano aasa ang mga taong ito na nasa laylayan ng lipunan na makaugnay sa isang banal na Diyos? Ayon sa mga pananaw mula sa aklat ng Lucas sa Africa Study Bible, sundan si Jesus habang pinupunuan Niya ang puwang sa pagitan ng Diyos at ng mga napabayaang pangkat ng lipunan.

More

Nais naming pasalamatan ang Oasis International Ltd sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://Oasisinternationalpublishing.com