Pagsunod kay Jesus na Ating TagapamagitanHalimbawa
Si Jesus at ang Tiwali
Ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno ay kinasusuklaman at kinatatakutan ng kanilang mga inaapi. Ngunit inabot ni Jesus ang mga nang-aapi at ang mga inaapi.
Mula sa isang tala sa Study Bible ng Africa na aplikasyon na pinamagatang “A Life-Altering Encounter”:
Hinangad ni Zaqueo na makita kung sino si Jesus. Ginawa niya ang kinakailangang pagsisikap sa pamamagitan ng pagtakbo sa unahan at pag-akyat sa isang puno upang malinaw na matanaw si Jesus. Kuntento na si Zaqueo makita lang si Jesus. Ngunit si Jesus ay nag-alok kay Zaqueo ng isang mas makabuluhang karanasan.
Matapos na personal na makilala ni Zaqueo si Jesus, hindi na niya maipagpatuloy na tulad ng dati ang kanyang negosyong pangongolekta ng buwis. Kinailangan niyang ihinto ang pandaraya at ibalik ang kanyang mga ninakaw. Inamin ni Zaqueo na ang kanyang pagiging di tapat ang dahilan ng kahirapan sa kanyang paligid. Nakaramdam siya ng bagong responsibilidad sa kanyang komunidad.
Si Zaqueo ay isang halimbawa ng isang taong nais talagang makilala si Jesus. Bilang kapalit, ipinakita sa kanya ni Jesus ang isang bagong paraan ng pamumuhay. Lubos itong tinanggap ni Zaqueo sa pamamagitan ng pagbabago ng kanyang mga pagpapahalaga at pag-uugali. Kung babaling tayo kay Jesus, mababago ang ating mga buhay.
Ang mensahe mula sa kuwento ni Zaqueo ay na kaya ng ebanghelyong abutin ang lahat, kahit pa mga tiwali at nang-abuso sa iba. Ikaw man ang pinakakinamumuhiang tao sa lipunan, isang bilanggo, nagbebenta ng droga, o masahol pa, ang kaloob ni Jesus na kaligtasan at isang bagong paraan ng pamumuhay ay maaaring mapasaiyo.
Pagnilayan o Talakayin
Pinili ni Jesus na maging panauhin ni Zaqueo kahit na sinasabi ng mga tao na hindi dapat. Bakit nagpunta si Jesus sa tahanan ng isang kilalang makasalanan?
Sa iyong palagay, bakit sa kabila ng kanyang tiwaling mga gawain ay ninais makita ni Zaqueo si Jesus?
Ano ang naging resulta ng pagdalaw ni Jesus sa buhay ni Zaqueo at sa kanyang komunidad?
May epekto ba si Jesus iyong buhay? Kung gayon, ano ang epekto nito sa iyong komunidad?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Isang bulag na pulubi ang desperadong umiiyak sa gilid ng daan, isang makasalanang babaeng kinamumuhian ng maranagal na lipunan, isang tiwaling kawani ng pamahalaan na kinasusuklaman ng lahat, paano aasa ang mga taong ito na nasa laylayan ng lipunan na makaugnay sa isang banal na Diyos? Ayon sa mga pananaw mula sa aklat ng Lucas sa Africa Study Bible, sundan si Jesus habang pinupunuan Niya ang puwang sa pagitan ng Diyos at ng mga napabayaang pangkat ng lipunan.
More