Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Maligayang Pamumuhay: Isang 7-Araw na Debosyonal para sa mga Magulang Tungkol sa Pamumuhay Mula sa Pagtanggap—Hindi para sa PagtanggapHalimbawa

Living a Happy Life: A 7-Day Devotional for Parents About Living From Acceptance—Not for Acceptance

ARAW 7 NG 7

Araw 7: Pananampalataya kay Jesus

Sa pambatang aklat na The Quokkas, The Snails, and the Land of Happiness, ibinahagi ng mga Quokkas sa mga Snails ang magandang balita na maaaring mapuno nang panghabang panahon ang kanilang sticker charts. Ang mga Snails ay umuwing may malaking desisyong kailangang gawin: patuloy ba silang mamumuhay nang tulad sa buhay nila ngayon ( para sa pag-apruba), o pipili ba sila ng mas mabuti?

Bagama't ginawa na ni Cristo ang lahat upang matiyak ang ating kapatawaran, kailangan nating ilagay ang ating pananampalataya sa Kanya upang matanggap ang Kanyang kapatawaran. Upang maging anak na lalaki o anak na babae Niya, ang bawat tao ay kailangang maniwala sa Kanya. 

Ang paniniwala sa Kanya ay hindi kapareho ng paniniwala tungkol sa Kanya. Ang paniniwala tungkol sa Kanya ay ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol kay Jesus. Maaaring malaman ng isang tao ang tungkol kay Lebron James o kay Justin Bieber, ngunit hindi ito nangangahulugang ang taong iyon ay naniniwala kay Lebron o kay Justin o mayroon siyang personal na relasyon sa mga ito. 

Ang paniniwala kay Jesus ay ang pagtitiwala sa Kanyang kapatawaran at buhay na walang hanggan. Sa sandaling ang isang tao ay naniwala kay Jesus, sa sandaling iyon din siya nagkakaroon ng walang hanggang relasyon kay Jesus. 

Ang paniniwala kay Jesus ay ang paglalagay ng iyong pananampalataya kay Cristo bilang Panginoon at pinuno ng buhay mo. At sino bang mas bubuti pa kay Jesus para mag-akay sa iyo sa buhay mo? Mas mabuti Siyang pinuno kaysa sa atin!

Kung ikaw o ang iyong anak ay handa nang manampalataya kay Jesus, sabihin mo ito sa isang Cristianong pinagkakatiwalaan at nirerespeto mo. Huwag mong sarilinin ang balitang ito. Ihayag mo sa iyong mga bibig na si Jesus ang Panginoon, at maniwala ka sa iyong puso na binuhay Siya ng Diyos mula sa Kamatayan! Ito ang paraan kung paanong makakapasok sa Kanyang kaharian at matatanggap ang Kanyang kapatawaran. 

Ang debosyonal na ito ay mula sa ibang mga materyales. Malaman ang higit pa sa QuokkasandSnails.com 

Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Living a Happy Life: A 7-Day Devotional for Parents About Living From Acceptance—Not for Acceptance

Ang mga bata ay nakakaramdam ng higit na panggigipit ngayon kaysa sa dati, ang pakiramdam nila ay kailangan may magawa sila sa tuwina at patunayan ang kanilang mga sarili. Ang pagkabalisa ay tumatama sa mga bata sa napakamurang gulang, at gusto naming tulungan ang mga magulang na maitanim sa kanilang mga puso ang mga biblikal na katotohanan sa kanilang mga puso: pinahihintulutan tayong mabuhay nang may kagalakan at kalayaan ng pag-ibig at pagtanggap ni Cristo. Ang debosyonal na ito ay base sa aklat na pambata, The Quokkas, the Snails, and the Land of Happiness.

More

Nais naming pasalamatan ang B&H Publishing sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://www.QuokkasandSnails.com