Maligayang Pamumuhay: Isang 7-Araw na Debosyonal para sa mga Magulang Tungkol sa Pamumuhay Mula sa Pagtanggap—Hindi para sa PagtanggapHalimbawa
Araw 4: Ang Masayang Takot
Dahil hindi naiisip ng mga tao na normal na magkasama ang takot at kasiyahan (o pagiging pinagpala), maaaring nakakalito ang Mga Awit 128:1 kapag ito'y binasa mo sa simula: magiging masaya ako kapag may takot ako sa Panginoon?
Oo! May takot na nag-aakay sa atin sa kasiyahan. May panginginig na nagdadala sa atin sa kagalakan.
Kailan ka ba nagiging masaya kapag ikaw ay may takot? Kapag naramdaman mo ang rumaragasang pagkamangha at nararamdaman mo ring ligtas ka. Ang mga tao ay sumasakay sa roller coaster upang mamangha, at ang takot ay nagdadala ng pagsigaw at pagngiti dahil sila ay maingat na nakatali sa kanilang mga upuan. Ganito rin ang nangyayari kapag umaakyat ng bundok at nagpa-parasailing, at habang ligtas kang nakatayo sa gilid ng bundok na napupuno ka ng pagkamangha dahil sa nakikita mo sa iyong kapaligiran. Kapag ang pagkamangha at kaligtasan ay pinagsasama, ang mga sandali ay kapana-panabik at kasiya-siya.
Bagama't hindi ito katulad ng paghahanap ng isang bagay na kapana-panabik sa pisikal na aspeto, kapag nangungusap ang Biblia patungkol sa pagkakaroon ng takot sa Panginoon, ito ay tumutukoy din sa pagkakaroon ng damdamin ng pagkamangha. Dapat tayong magkaroon ng pagkamangha at paggalang sa dakilang Diyos na ito, ang Diyos na lumikha ng langit at lupa, lubos na makapangyarihan, batid ang lahat at nakikita ang lahat. Namamangha tayo, ngunit dahil kay Jesus, tayo rin ay ligtas. Maaari tayong tumayo sa harap ng dakilang Diyos na ito dahil kay Jesus. Maaari tayong masiyahan sa dakilang Diyos na ito dahil kay Jesus. Ligtas tayong hinahawakan ng kamangha-manghang Diyos na ito.
Kapag nangungusap ang Biblia patungkol sa kaligayahan, hindi ito nagsasabi ng tungkol sa pansamantalang kaligayahan o kaginhawahan kundi isang pangmatagalang kagalakan dahil sa pagkakakilala sa Diyos. Kahit na ang ating pang-araw-araw na buhay ay puno ng mga hamon—problema sa pananalapi, kapansanan, karamdaman— maaari tayong magkaroon ng pangmatagalang kagalakan—tunay na kaligayahan—hindi dahil perpekto ang ating kapaligiran kundi dahil may perpekto tayong Tagapagligtas.
Habang nadaragdagan ang iyong pagkamangha at pagpapahalaga sa Diyos, ganoon din ang nangyayari sa iyong kaligayahan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang mga bata ay nakakaramdam ng higit na panggigipit ngayon kaysa sa dati, ang pakiramdam nila ay kailangan may magawa sila sa tuwina at patunayan ang kanilang mga sarili. Ang pagkabalisa ay tumatama sa mga bata sa napakamurang gulang, at gusto naming tulungan ang mga magulang na maitanim sa kanilang mga puso ang mga biblikal na katotohanan sa kanilang mga puso: pinahihintulutan tayong mabuhay nang may kagalakan at kalayaan ng pag-ibig at pagtanggap ni Cristo. Ang debosyonal na ito ay base sa aklat na pambata, The Quokkas, the Snails, and the Land of Happiness.
More