Maligayang Pamumuhay: Isang 7-Araw na Debosyonal para sa mga Magulang Tungkol sa Pamumuhay Mula sa Pagtanggap—Hindi para sa PagtanggapHalimbawa
Araw 6: Magpahinga mula sa Paggawa
May dalawang paraan sa paglapit sa Diyos. Ang pinakakaraniwang paglapit ay ang subukang magtrabaho para sa Kanya, na isiping maaari kang maging ganoon kabuti upang makuha ang Kanyang pansin. Ang mga taong sinusubukang makalapit sa Diyos sa ganitong paraan ay nagnanais na gumawa ng maraming mabubuting bagay kaysa sa hindi magagandang bagay sa kanilang buhay at umaasang makikita sila ng Diyos na nagpupunyagi at tatanggapin sila. Ito ang pinakakaraniwang diskarte dahil ganito madalas na tumatakbo ang mundo. Mag-aral nang mabuti upang makakuha ng matataas na grado. Magtrabahong mabuti upang maging maayos sa trabaho. Magsumikap na mabuti upang maging magaling na manlalaro sa iyong paboritong laro.
Ngunit tinuturuan tayo ng Biblia na ang ganitong paraan ng paglapit sa Diyos ay hindi gumagana dahil hindi tayo makakalapit sa Kanya sa pamamagitan ng ating sariling kabutihan. Gaano man tayong kabuti, hindi pa rin tayo makakaabot sa Kanyang kabutihan dahil ang Diyos ay perpekto at tayo ay hindi. Kapag sinubukan nating gumawa upang makalapit sa Diyos, ang makukuha natin ay kung anong karapat-dapat sa ating gawa, at ito'y hindi magandang balita. Dahil hindi tayo perpekto, ang marapat sa atin ay ang pagkahiwalay sa Nag-iisang maaaring magbigay ng buhay sa atin. Kapag sinubukan nating makalapit sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa, hindi natin Siya matatamasa at habambuhay tayong mahihiwalay sa Kanya.
Ang hindi karaniwang paraan—ang tamang paraan—upang makalapit sa Diyos ay ang magpahinga!
Sa halip na subukang mahalin ka ng Diyos, mamahinga ka sa mabuting balita na minahal ka na Niya. Sa halip na magtiwala sa iyong mabubuting gawa, magtiwala sa mabuting ginawa ni Jesus sa krus para sa iyong kasalanan. Sa halip na subukang matamo ang Diyos, magpahinga at tanggapin Siya.
Maaari kang makalapit sa Diyos ayon sa kabutihan at kawalang-kapintasan ni Jesus. Kapag ikaw ay nagpahinga sa sariling paggawa at inilagay mo ang iyong pagtitiwala kay Cristo, matatanggap mo ang lahat ng Kanyang kabutihan. Ang pagiging perpekto ni Jesus ay sa iyo na kung hihinto ka sa paggawa at kapag namahinga ka sa ginawa na ni Cristo para sa iyo. Kapag nagpahinga ka kay Jesus, walang kasalanang maipaparatang laban sa iyo!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang mga bata ay nakakaramdam ng higit na panggigipit ngayon kaysa sa dati, ang pakiramdam nila ay kailangan may magawa sila sa tuwina at patunayan ang kanilang mga sarili. Ang pagkabalisa ay tumatama sa mga bata sa napakamurang gulang, at gusto naming tulungan ang mga magulang na maitanim sa kanilang mga puso ang mga biblikal na katotohanan sa kanilang mga puso: pinahihintulutan tayong mabuhay nang may kagalakan at kalayaan ng pag-ibig at pagtanggap ni Cristo. Ang debosyonal na ito ay base sa aklat na pambata, The Quokkas, the Snails, and the Land of Happiness.
More