Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Maligayang Pamumuhay: Isang 7-Araw na Debosyonal para sa mga Magulang Tungkol sa Pamumuhay Mula sa Pagtanggap—Hindi para sa PagtanggapHalimbawa

Living a Happy Life: A 7-Day Devotional for Parents About Living From Acceptance—Not for Acceptance

ARAW 1 NG 7

Araw 1: Dalawang Paraan Upang Mabuhay

Dalawang mag-aaral na nasa ika-limang baitang ang maglalaro ng soccer sa araw na ito. Ang isa ay maglalaro upang magtagumpay—magtagumpay laban sa iba at magtagumpay para sa sarili niya. Ang isa naman ay ibibigay din ang lahat sa laro, ngunit para sa ibang dahilan. Nasa kanya na ang tagumpay dahil kay Jesus, kaya ngayon ay maaari na siyang magsaya at maglaro nang may kalayaan. Naglalaro siya nang walang masyadong kagipitang nararamdaman at mas malaking kagalakan. 

Dalawang doktor ang mag-oopera sa araw na ito. Ang isa ay mag-oopera dahil gusto niyang patunayan sa sarili niya ang kanyang kahalagahan. Ang isa naman ay mag-oopera nang may pagtitiwala na siya ay mahalaga na dahil sa ginawang pagkilos ni Cristo para sa kanya. 

Dalawang pintor ang magpipinta ngayon. Ang isa ay magpipinta dahil nais niyang makatanggap ng pagsang-ayon, at kung ang kanyang larawan ay "tamang-tama", maaaring aprubahan siya ng mga tao. Ang isang pintor naman ay magpipinta dahil siya'y inaprubahan na ni Cristo, at natutuwa siyang lumikha dahil ang kanyang Tagapagligtas ay malikhain at binigyan siya ng pagnanasang lumikha. 

Hindi natin makikita ang pagkakaiba ng dalawang estudyanteng nasa ika-limang baitang, ng dalawang doktor, at ng dalawang pintor base sa kanilang mga ginagawa o sa kanilang mga trabaho. Marami silang gagawing magkapareho sa araw na ito, ngunit ang dahilan ng kanilang paggawa ay magkaibang-magkaiba. Sa kuwentong pambata na The Quokkas, The Snails, and the Land of Happiness, sina Quokkas at sina Snails ay magkapareho ang mga buhay, ngunit sila'y nabubuhay na magkaibang-magkaiba ang motibo. Sina Snails ay nabubuhay na naghahanap ng pagsang-ayon ng iba. Sina Quokkas—silang masasaya—ay nabubuhay na batid na sila'y sinang-ayunan na. 

Maging ikaw ay may dalawang paraan kung paanong mabubuhay. Maaari kang mabuhay para sa tagumpay o mula sa tagumpay na sinigurado na ni Cristo para sa iyo. Maaari kang mabuhay para sa pagsang-ayon o mula sa pagsang-ayon na ibinigay ng Diyos sa iyo, Maaari kang mabuhay upang bigyang katwiran ang iyong sarili o mula sa katayuang makatwiran na dahil kay Jesus. 

Dahil ginawa kang tama ni Cristo sa paningin ng Diyos, hindi mo kailangang mabuhay para. Maaari kang mabuhay mula. At kapag ito ang nangyari, ikaw ay mapupuno ng kapayapaan at kagalakan ng Diyos. 

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Living a Happy Life: A 7-Day Devotional for Parents About Living From Acceptance—Not for Acceptance

Ang mga bata ay nakakaramdam ng higit na panggigipit ngayon kaysa sa dati, ang pakiramdam nila ay kailangan may magawa sila sa tuwina at patunayan ang kanilang mga sarili. Ang pagkabalisa ay tumatama sa mga bata sa napakamurang gulang, at gusto naming tulungan ang mga magulang na maitanim sa kanilang mga puso ang mga biblikal na katotohanan sa kanilang mga puso: pinahihintulutan tayong mabuhay nang may kagalakan at kalayaan ng pag-ibig at pagtanggap ni Cristo. Ang debosyonal na ito ay base sa aklat na pambata, The Quokkas, the Snails, and the Land of Happiness.

More

Nais naming pasalamatan ang B&H Publishing sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://www.QuokkasandSnails.com