Maligayang Pamumuhay: Isang 7-Araw na Debosyonal para sa mga Magulang Tungkol sa Pamumuhay Mula sa Pagtanggap—Hindi para sa PagtanggapHalimbawa
Araw 5: Ang Paraan ng Kaligayahan
Ang aklat ng Mga Awit ay nagsisimula sa pamamagitan ng isang paglalarawan ng isang buhay na pinagpala (o masaya). Ang isang taong masaya ay isang taong nagagalak sa pagtuturo ng Panginoon. Ang isang taong nasisiyahan sa isang masarap na kainan ay hindi lang kumakain ng pagkain kundi nagagalak sa mga lasa nito at sa panahong kasama ang mga kaibigan o pamilya. Ang isang masayang tao ay hindi lamang binabasa ang mga pagtuturo ng Panginoon kundi nagagalak dito. May napakalaking pagkakaiba sa paggugol ng oras kasama ang Diyos dahil sa ito'y isang tungkulin—sa iyong pagsisikap na mahalin ka Niya—at sa paggugol ng oras kasama ang Diyos dahil sa kagalakan, dahil alam mong ang Kanyang pag-ibig sa iyo ay sigurado.
Ang isang taong masaya, na nagagalak sa Panginoon, ay inihahambing sa isang malaking puno. Ang mga turista ay naglalakbay ng milya-milya para kumuha ng mga larawan sa unahan ng mga sikat na puno. Ang ilang mga puno ay kamangha-mangha na binibigyan ang mga ito ng mga pangalan: Sherman, ang Lone Cypress, Hyperion, atbp. Ngunit ang mga taong hindi nasisiyahan sa Diyos—ang masasama—ay ikinukumpara sa ipa. Ang ipa ang panlabas na balat ng isang buto. Isipin mo na lang ang panlabas na balot ng buto ng popcorn na sumasabit sa ngipin mo kapag kumakain ka nito. Walang nagpapakuha ng mga larawan sa harap ng ipa!
Ang Mga Awit 1 ay nagpapaalala sa atin ng patutunguhan ng dalawang landas na maaari nating tahakin sa buhay na ito. Maaari tayong magalak sa Panginoon, tanggapin ang Kanyang kapatawaran, at tamasahin ang walang hanggang kaligayahan habang binabantayan Niya tayo. O maaari tayong pumunta sa sarili nating daan, ang daan ng masasama. Ang dulo ng landas na iyon ay kapahamakan dahil ang mga nasa landas na iyon ay hindi makatatayo sa harapan ng Panginoon.
Ang mabuting balita ay ang katotohanang si Jesus ay lumakad sa makitid na daan nang walang kapintasan para sa atin. Kapag nagtiwala tayo sa Kanya, inilalagay Niya tayo sa Kanyang landas, binabantayan tayo, at pinupuno tayo ng Kanyang kagalakan. At makakatayo tayo sa harap ng Diyos—hindi dahil sa ating kabutihan kundi dahil sa kabutihan ng Diyos, na natanggap natin. Isang dahilan upang maging maligaya!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang mga bata ay nakakaramdam ng higit na panggigipit ngayon kaysa sa dati, ang pakiramdam nila ay kailangan may magawa sila sa tuwina at patunayan ang kanilang mga sarili. Ang pagkabalisa ay tumatama sa mga bata sa napakamurang gulang, at gusto naming tulungan ang mga magulang na maitanim sa kanilang mga puso ang mga biblikal na katotohanan sa kanilang mga puso: pinahihintulutan tayong mabuhay nang may kagalakan at kalayaan ng pag-ibig at pagtanggap ni Cristo. Ang debosyonal na ito ay base sa aklat na pambata, The Quokkas, the Snails, and the Land of Happiness.
More