Maligayang Pamumuhay: Isang 7-Araw na Debosyonal para sa mga Magulang Tungkol sa Pamumuhay Mula sa Pagtanggap—Hindi para sa PagtanggapHalimbawa
Araw 2: Ang Dakilang Palitan
Kapag iniisip nating kaya nating maging mabuti upang makamit ang pagmamahal ng Diyos, sinasaktan natin ang Diyos. Dahil kung kaya nating maging mabuti upang mahalin tayo ng Diyos, ang pagpapadala ng Diyos kay Jesus, ang Kanyang Anak, upang mamatay para sa atin ay walang batayan. Ngunit hindi ipinadala ng Diyos si Jesus upang mamatay sa krus nang walang dahilan! Namatay si Jesus para sa atin dahil hindi natin kayang maabot ang Diyos sa sarili nating paggawa. Ito ay dahil ang Diyos ay dalisay at banal—higit na dalisay at banal kaysa sa kaya nating isipin. Dahil ang Diyos ay napakabanal, hindi Niya kayang pahintulutan ang kasalanan. Hindi Niya kayang umiral kasama ang kasalanan, at ito'y masamang balita para sa atin dahil lahat tayo ay nagkasala. Lahat tayo ay hindi nakaabot sa Diyos.
Ngunit mahal na mahal tayo ng Diyos.
Ninanais Niyang patawarin tayo at linisin tayo sa ating kasalanan. Dahil sa matinding pagmamahal Niya sa atin, sa ganap na panahon sa kasaysayan, ipinadala ng Diyos si Jesus upang mamatay sa krus para sa ating mga kasalanan. Itinuturo sa atin ng Biblia na nang namatay si Jesus para sa atin, isang kamangha-mangha at nakakagulat na bagay ang nangyari para sa mga naniwala kay Jesus. Ang lahat ng ating mga kasalanan ay inilagay kay Jesus, at ang kasakdalan ni Jesus ay inilagay sa atin. Sa napakatagal na panahon, tinawag ng mga taong nag-aral ng Biblia ang sandali ng kamatayan ni Jesus na "Ang Dakilang Palitan."
Ginagawa ni Jesus ang dakilang palitan para sa mga taong naniniwala sa Kanya. Kinukuha Niya ang lahat ng ating mga kasalanan at inilalagay sa Kanyang sarili, at ibinibigay Niya sa atin ang Kanyang pagiging perpekto. Para sa ating mga naniniwala, hindi lang nawawala ang lahat ng ating mga kasalanan, nasa atin na rin ang lahat ng kabutihan ni Jesus. Tinitingnan tayo ng Diyos na tila tayo ay perpekto, na tila ang ibinuhay natin ay ang buhay ni Jesus.
Sa kuwentong The Quokkas, The Snails, and the Land of Happiness, ang mga Quokkas ay may listahang lahat ay may tsek. Ang lahat ng mga Cristiano ay mayroon ding "espirituwal na listahan" na puno ng tsek—hindi dahil nakamit natin ang mga ito (hindi natin kayang kamtin ang mga ito!) kundi dahil ibinigay itong lahat ni Jesus. Ang ating listahan ay laging puno dahil kay Jesus!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang mga bata ay nakakaramdam ng higit na panggigipit ngayon kaysa sa dati, ang pakiramdam nila ay kailangan may magawa sila sa tuwina at patunayan ang kanilang mga sarili. Ang pagkabalisa ay tumatama sa mga bata sa napakamurang gulang, at gusto naming tulungan ang mga magulang na maitanim sa kanilang mga puso ang mga biblikal na katotohanan sa kanilang mga puso: pinahihintulutan tayong mabuhay nang may kagalakan at kalayaan ng pag-ibig at pagtanggap ni Cristo. Ang debosyonal na ito ay base sa aklat na pambata, The Quokkas, the Snails, and the Land of Happiness.
More