Nawawalang KapayapaanHalimbawa
Kapayapaan sa Kaguluhan
Posible bang maging mapayapa kahit na ikaw ay nasa gitna ng isang bagay na masakit? Ang maiksing sagot ay oo, subalit hindi ito nangangahulugan na ang proseso ay hindi gaanong masakit. Sa katunayan, maaari mong mararanasan ang kapayapaan at sakit nang sabay.
Noon pa man ay batid na ito ng mga alagad at ng mga unang tagasunod ni Jesus. Sila ay hindi iba sa mga unos. At habang sila ay nananatiling tapat, hindi nangangahulugan na hindi nila naranasan ang kabiguan, pagkalito, pagdududa, o pagkabahala. Tingnan na lang ang sinulat ni Pablo tungkol sa kanyang mga karanasan:
Hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, ng tungkol sa mga kapighatian namin na nangyari sa Asia, na kami ay totoong nabigatan, ng higit sa aming kaya, ano pa't kami ay nawalan na ng pagasa sa buhay. Oo, kami'y nagkaroon sa aming sarili ng hatol sa kamatayan upang huwag kaming magkatiwala sa amin ding sarili, kundi sa Dios, na bumubuhay na maguli ng mga patay. 2 Mga Taga-Corinto 1:8-9 ABTAG
Hindi gusto ni Pablo na pagandahin ang kanilang mga karanasan. Hindi niya nais na isipin ng mga tao na nagkaroon sila ng layunin nang walang sakit. Subalit, hindi niya rin nais na masyadong magtuon sa kanyang paghihirap na makaligtaan nila kung ano ang ginagawa ng Diyos sa kuwento.
Madalas tayong magnais ng layunin at kapayapaan nang walang sakit. Madalas tayong mag-isip na kung may isang bagay na hindi maayos, hindi na ito sulit. Subalit si Jesus ay hindi nangako ng buhay na madali dito sa mundo. Sa katunayan, siniguro Niya na batid natin na tayo ay magkakaroon ng mga kapighatian sa mundong ito. Subalit nag-iwan din Siya sa atin ng pag-asa at kapayapaan na napagtagumpayan na Niya ang lahat ng ito.
At kahit na napagtagumpayan na Niya ang lahat ng ito, tayo ay patuloy Niyang inaaliw sa pamamagitan nito. Sa nasabing talata sa 2 Mga Taga-Corinto, isinulat ni Pablo kung paano nila naranasan ang malahimalang kaaliwan sa pamamagitan ng kaguluhan ng kanilang kalagayan. At ipinakita ito bilang isang pagkakataon para sa atin na iabot ang ganito ring kaaliwan sa iba.
Kakaharapin natin ang mga unos ng buhay. Subalit ang mga unos na iyon ay magpapahayag ng kalagayan ng ating pananampalataya. Tutugon ba tayo sa pamamagitan ng pagkilala ng kahalagahan ng ating mga paghihirap? O nakatuon tayo sa mga maling katanungan?
Sa Marcos 4, nabasa natin ang tungkol sa totoong unos na kinaharap ng mga alagad. Ang hangin at alon ay humahampas, at sila ay nababahala na sila ay malulunod. Samantala, si Jesus, ay natutulog sa bangka. Kaya, ang mga alagad ay ginawa ang gagawin ng karamihan sa atin. Natataranta nilang ginising si Jesus at tinanong:
… “Guro, bale-wala ba sa inyo kung mapahamak kami?” Marcos 4:38 RTPV05
Hindi ba't iyan ang katanungan na natutukso tayong tanungin sa panahon ng unos sa ating buhay? O Diyos, wala Ka bang pakialam?
Tumugon si Jesus sa pamamagitan ng pagpapatigil ng unos datapwat hinamon din ang kanilang kaginhawaan. Siya ay nagmamalasakit na hindi lamang nilutas ang kanilang problema kundi tinanong din kung ano ang kalagayan ng kanilang pananampalataya.
Kung alam natin kung sino si Jesus, tayo ay tiwala na nagmamalasakit Siya sa ating mga unos, at Siya ay kasama natin sa mga panahong iyon. Kaya, maaari ba tayong magkaroon ng kapayapaan sa ating sakit? Oo. Subalit, ito ay nangangailangan ng pananampalataya—sa pagtitiwala na ang ating sakit ay mayroong layunin at ang ating Diyos ay hindi natitinag sa proseso.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Posible bang maranasan ang kapayapaan kung ang buhay ay puno ng pasakit? Ang maikiling sagot: oo, subalit hindi sa ating sariling kakayahan. Sa isang taon na nag-iwan sa atin ng labis na kaguluhan, marami sa atin ang naiwan na may mga katanungan. Sa 7-araw na Gabay sa Bibliang ito, kasama ng serye ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel, matutuklasan natin kung paano matatagpuan ang Nawawalang Kapayaan na ating hinahangad.
More