Nawawalang KapayapaanHalimbawa
Kapayapaan ng Isip
Pagbalik-isipan ang panahon sa iyong buhay nang ikaw ay humarap sa makabuluhang pakikibaka. Marahil ikaw ay nakipaglaban sa pagkabalisa o depresyon. Marahil ay nawalan ka ng mahal sa buhay. Marahil ikaw ay nakikitungo sa pagkawala ng iyong pangarap, o ang pagkawala ng iyong inaakala na magiging buhay mo. Ano ang ilan sa napakalaking tulong na ginawa ng mga tao para sa iyo?
Maaring hindi mo matandaan ang mga salita na sinabi ng isang tao. Subalit natatandaan mo kung sino ang naroroon para sa iyo. Natatandaan mo ang mga tao na nakinig, nagpakita, at nagbigay ng oras para makasama ka.
Kung humaharap tayo sa pinakamalalim na pakikibaka, tayo ay mapapanatag sa katunayan na ang Diyos ay palaging kasama natin. Sa katunayan, sa aklat ni Isaias, si Jesus ay tinawag na Immanuel, nangangahulugang “Kasama natin ang Diyos.”
Kung tayo ay nakikibaka upang hanapin ang kapayapaan sa gitna ng ating mga pinagdadaanan, minsan ang pinakamainam na bagay na maaari nating gawin ay kilalanin na ang Diyos ay kasama natin at pasalamatan Siya sa regalo ng Kanyang presensya.
At ang mabuting balita ay hindi natin kailangang gawin ito sa ating sariling lakas. Kung susunod tayo kay Jesus, binibigyan Niya tayo ng isa pang regalo—ang presensya ng Banal na Espiritu. Hindi lamang tayo makapangyayari o mag-iipon ng tapang at kapayapaan sa ating sarili. Sa halip, maaari nating hilingin sa banal na Espiritu na patnubayan ang ating buhay, bantayan ang ating puso, at mamunga nang higit kaysa sa ating mga kabiguan.
Gaya ng ipinaalaala sa atin ni Pablo:
Ang mga namumuhay ayon sa hilig ng laman ay walang pinapahalagahan kundi ang mga bagay na ukol sa laman; ngunit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay nagpapahalaga sa mga bagay na espirituwal. Ang pagsunod sa hilig ng laman ay naghahatid sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan. Mga Taga-Roma 8:5-6 RTPV05
Kung napupuno tayo ng mga kaisipan tungkol sa balita, pagtatalo sa social media, at ang lahat ng bagay na nagpapabigla sa atin, tayo ay natural na nakadarama ng pagkataranta at kaguluhan. At kahit na mainam na may kaalaman, dapat siguruhin natin na ang ating mga isipan ay pinupuno natin ng mga bagay na nagpaparingas sa ating mga espiritu.
Sa katunayan, isang paraan upang matagpuan ang kapayapaan ng Diyos ay ang pag-alaala sa mga pangako ng Diyos at pagtuon sa mga pangakong iyon nang higit sa iyong mga problema.
Iniisip kung paano magsimula? Basahin ang Mga Awit 23 nang paulit-ulit, at ipaalala sa iyong sarili na ang Diyos ay kasama mo kung humaharap ka sa mga pagsubok, dumadaan sa mga kabundukan, o nangangailangan ng kaaliwan. Gumawa ng listahan ng mga bagay na totoo tungkol sa Diyos. Halimbawa: Siya ay malapit sa mga nawasak ang puso. Siya ay nagbibigay ng kapayapaan na hindi kayang maunawaan. Siya ay kanlungan at handang saklolo kung may kaguluhan. Siya ang ating Kahanga-hangang Tagapayo, ang ating Makapangyarihang Diyos, ang ating Prinsipe ng Kapayapaan!
Ngayon, kung nararamdaman mo na ikaw ay nababalisa o naguguluhan, alamin ito: Ang Diyos ay nagmamalasakit sa iyo. Nakikita ka Niya. Mahal ka Niya. Siya ay kasama mo. Siya ay para sa iyo. At mahahanap mo ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga pangako ng Diyos sa iyong mga problema at pagsuko ng iyong mga iniisip sa Banal na Espiritu.
Tungkol sa Gabay na ito
Posible bang maranasan ang kapayapaan kung ang buhay ay puno ng pasakit? Ang maikiling sagot: oo, subalit hindi sa ating sariling kakayahan. Sa isang taon na nag-iwan sa atin ng labis na kaguluhan, marami sa atin ang naiwan na may mga katanungan. Sa 7-araw na Gabay sa Bibliang ito, kasama ng serye ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel, matutuklasan natin kung paano matatagpuan ang Nawawalang Kapayaan na ating hinahangad.
More