Nawawalang KapayapaanHalimbawa
Kapayapaan para sa Hinaharap
Kadalasan ay nakadarama tayo ng kakulangan ng kapayapaan kung wala pa sa atin ang lahat ng mga piraso ng plano para sa ating buhay. Kapag hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa sitwasyon, o kung nadarama natin na hindi natin makontrol ang kalalabasan, tayo ay nag-aalala. Subalit matatagpuan natin ang kapayapaan sa panibagong pananaw.
Maaaring hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa ating buhay sa hinaharap sa ganang atin, subalit alam natin kung paano ang ating hinaharap ay magwawakas nang sama-sama—kasama si Jesus na babalik upang gawing tama ang lahat ng mga mali. Narito ang sulyap mula sa Pahayag 21:
“‘At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, dalamhati, pagtangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay.” Pagkatapos ay sinabi ng nakaupo sa trono, “Pagmasdan ninyo, binabago ko na ang lahat ng bagay!” … Pahayag 21:4-5 RTPV05
Ang kaalaman na iyan ay magbabantay sa ating puso ng kapayapaan dahil kahit anumang mga pagsubok ang dumating sa atin, alam natin na ang Diyos ang magtatagumpay sa huli.
Pinaalalahanan tayo ni Jesus sa Juan 14 nang sinabi Niya sa Kanyang mga alagad na hindi sila dapat mag-alala kung saan Siya pupunta dahil Siya ay naghahanda ng lugar para sa kanila sa tahanan ng Kanyang Ama. Kaya, maaari tayong magkaroon ng kapayapaan sa kasalukuyan dahil sa ating lugar sa hinaharap.
Ngayon, hindi iyon nangangahulugan na tayo ay basta umaasa lamang sa walang hanggan at wala nang gagawin sa mundo. Sa halip, mayroon tayong kapayapaan na nagtutulak patungo sa pagkilos—upang dalhin ang mas maraming kaharian ng Diyos dito sa mundo sa pamamagitan ng pagiging mapagpayapa, pagbabahagi ng ating pananampalataya, pagmamahal sa iba, paglilingkod sa iba, at paggamit ng ating mga kaloob para sa Kanyang kaluwalhatian. At kung ginawa natin ito, dinadala natin ang ilan sa mga kapayapaan ng Diyos—ang pagiging buo—sa wasak na mundo.
Tingnan na lamang ang mapaghamong pananalangin na matatagpuan natin mula kay Pablo tungkol sa kung paano maghintay sa pagbabalik ni Jesus:
Naway lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa'y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 1 Mga Taga-Tesalonica 5:23 RTPV05
Habang iniiisip mo ang mga paraan upang matagpuan ang nawawalang kapayapaan sa iyong buhay, tandaan na ang tunay na kapayapaan ay nagmumula lamang sa Diyos. Siya ang tanging makakakuha ng ating buong pagkawasak at makalilikha ng isang bagay na bago. Subalit habang hinahanap mo Siya, isaalang-alang kung paano mo maibabahagi ang Kanyang kapayapaan sa mga taong nasa paligid mo.
Ang kapayapaan ay hindi mananakaw sa atin. Ang kapayapaan ay isang Tao. Ang pangalan Niya ay Jesus. At sa pagdiriwang natin ng Kanyang kapanganakan tuwing Pasko, tayo ay pinaaalalahanan na tayo ay naghihintay ng Kanyang pagbabalik. Subalit tayo ay naghihintay nang may layunin, at tayo ay naghihintay sa kapayapaan, batid na ang Diyos ay tapat. Siya ay mabuti. At Siya ang nawawalang kapayapaan na kailangan ng ating kaluluwa at ng ating mundo upang maging ganap.
Manalangin: O Diyos, salamat sa pagpapadala Mo kay Jesus bilang aming kapayapaan. Punuin Mo pa ako ng Iyong kagalakan at kapayapaan habang ako ay nagtitiwala sa Iyo, at gawing maging katulad Mo habang naghihintay ng Iyong pagbabalik. Ngayon, inilalagak ko ang lahat ng aking alalahanin sa Iyo, batid na ikaw ay nagmamalasakit sa lahat ng mga iyon, at Ikaw lamang ang makapagpapasan sa kanila nang lubusan. Gabayan Mo ako habang ako ay nagiging tagapamayapa, at ipakita sa akin kung paano dalhin ang higit Mo pang Kaharian dito sa mundo. Sa pangalan ni Jesus, amen.
Tungkol sa Gabay na ito
Posible bang maranasan ang kapayapaan kung ang buhay ay puno ng pasakit? Ang maikiling sagot: oo, subalit hindi sa ating sariling kakayahan. Sa isang taon na nag-iwan sa atin ng labis na kaguluhan, marami sa atin ang naiwan na may mga katanungan. Sa 7-araw na Gabay sa Bibliang ito, kasama ng serye ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel, matutuklasan natin kung paano matatagpuan ang Nawawalang Kapayaan na ating hinahangad.
More