Nawawalang KapayapaanHalimbawa
Nawawalang Kapayapaan
Marahil ang taong 2020 ay maaalala sa kasaysayan bilang isa sa mga kinaiinisang taon sa ating buhay. Mula sa isang pandaigdigang pandemya patungo sa isang lumalagong kamalayan ng kawalang-katarungan sa lahi at maging sa tensyon at paghahating politikal, isa itong mapanghamong panahon. Marami sa atin ang nakadarama na tila nawawala ang ating kapayapaan, o hindi kaya'y tila ito'y ninakaw.
Ngunit paano kung hindi ang ating mga kalagayan ang nagnanakaw ng ating kapayapaan—paano kung ang mga ito ay nagpapakita lang ng kawalan ng kapayapaan na mayroon na tayo?
Sa mga mapanghamong panahon, ginagawa nating huwaran ang nakaraan, iniisip na kung sana ay naging iba ang ating karanasan, magiging maligaya sana tayo at makakahanap ng kapayapaan.
Ngunit bawat taon, tila tayo ay naghahanap pa rin ng kapayapaan. Kung kaya kahit na dapat nating kilalanin kung gaano kahirap ang panahong ito, hindi natin ito masisisi sa bawat pakikibaka na ating kinakaharap. Hindi rin natin pwedeng iwalang-bahala ang ginagawa ng Diyos, sa kabila ng kaguluhan.
Kung kaya, ano ang kapayapaan? Paano natin mahahanap ito kung tayo ay hinati at balisa at walang kasiguruhan sa hinaharap?
Ang magandang balita ay ang kapayapaan ay hindi nakikita sa kawalan ng problema. Ito ay natatagpuan sa presensya ni Jesus.
Ang Mga Taga-Efeso 2:14 ay nagpapaalala sa atin na si Jesus ay dumating bilang ating kapayapaan. Hindi lang para ibigay sa atin ang kapayapaan kundi bilang ating kapayapaan. Sa katunayan, ang salitang Griyego para sa kapayapaan ay eirene, na nangangahulugang kabuuan. Hindi naparito si Jesus upang gumaan ang ating pakiramdam sa iilang mga araw. Siya ay dumating upang ibalik tayo—at ang ating relasyon sa Diyos—maging buo muli.
Ang ating kapayapaan ay nakadugtong sa presensya ng ating hindi nagbabagong Diyos. Siya ay pareho kahapon, ngayon, at magpakailanman. Siya ay tapat. Siya ay mabuti. At Siya ay karapat-dapat sa ating pagtitiwala.
Hindi natin mahahanap ang kapayapaan sa ating nagbabagong kalagayan o sa ating sariling paghahanap. Si Jesus ang ating nawawalang kapayapaan, at kung tayo ay tumigil sa pagtuon ng ating pansin sa ating mga problema at sa halip ay ituon ang ating mga mata sa Kanya, tayo ay makakaranas ng kapayapaan na mag-iingat sa ating mga puso at nakahihigit sa lahat ng pang-unawa. Tingnan mo ang paalalang ito mula sa Banal na Kasulatan:
Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo'y nagtitiwala. Magtiwala kayo kay Yahweh magpakailanman, sapagkat ang Diyos na si Yahweh Gang walang hanggang kublihan.. Isaias 26:3-4 RTVP05
Hindi kapani-paniwala ang lubos na kapayapaan, tama? Ngunit dumarating ito kapag ating itinutuon ang ating isipan kay Jesus at ibinibigay sa Kanya ang ating buong pagtitiwala.
Kung kaya, ang kapayapaan ay maaaring tila nawawala o nasa malayo. Ngunit ang katotohanan ay ang kapayapaan ay isang Nilalang, at kapag nagtiwala tayo sa Kanya at itinutuon ang ating isipan sa Kanya, mahahanap natin ito. Hindi ito nangangahulugang lagi tayong masaya o hindi na tayo makakaranas ng pagkabalisa o takot. Nangangahulugan itong alam natin kung paano hanapin ang kapayapaan kapag tayo ay nahihirapan, dahil ang kapayapaan ay produkto ng presensya ng Diyos.
Tungkol sa Gabay na ito
Posible bang maranasan ang kapayapaan kung ang buhay ay puno ng pasakit? Ang maikiling sagot: oo, subalit hindi sa ating sariling kakayahan. Sa isang taon na nag-iwan sa atin ng labis na kaguluhan, marami sa atin ang naiwan na may mga katanungan. Sa 7-araw na Gabay sa Bibliang ito, kasama ng serye ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel, matutuklasan natin kung paano matatagpuan ang Nawawalang Kapayaan na ating hinahangad.
More