Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paano Maging Mapagpasalamat Para sa Iyong BuhayHalimbawa

How to Be Grateful for Your Life

ARAW 3 NG 5

Kalusugan

Sa Mga Awit 139, makikita natin ang isang magandang balangkas ng kung gaano kamasinsinang kilala ng Diyos ang bawat isa sa atin. Nilikha Niya “ang anumang aking sangkap,” “sa tiyan ng aking ina'y hinugis...akong bata,” at “nakita na, hindi pa man isinilang.” Tinatawag Niya tayong “kahanga-hangang tunay.” Tunay na kagila-gilalas ang ating Diyos! 

Sa nadungisang mundong kinalalagyan natin, may mga hamong kakaharapin ang bawat isa. Kung minsan ay may hamon sa ating kalusugan na darating na lang, at sa ibang pagkakataon naman, maaaring nangyayari ito dahil sa ating sariling pagkukulang.  

Anuman ang ating kalalagayan sa mga bahaging ito ng ating kalusugan, sa ating paggising bawat araw, may dahilan tayong pasalamatan ang Diyos para sa ating espirituwal, emosyonal, mental, at pisikal na kalusugan. Konsiderahin natin ang mga kagawiang ito habang naglalakad sa pasasalamat para sa ating kalusugan:

  • Igalang ang iyong katawan. Ang ating mga katawan ay templo ng Diyos; at ibig sabihin nito, ang Espiritu Santo ay nasa atin. Kung magagawa nating mag-ehersisyo at kumain ng nakapagpapalusog na pagkain, magpahayag tayo ng pasasalamat sa Diyos para sa kakayahang maging aktibo at makapili ng nakapagpapalusog na mga pagkain para sa ating mga katawan. 
  • Palakasin ang iyong isip. Nakakalungkot, ang mental na pagkakasakit ay isang totoong banta na mistulang nagpapanatiling bilanggo sa mga tao. Karamihan sa atin ay may kilalang nakikipagbuno sa isa o iba pang bersyon nito at maaaring nahihirapang makayanan ito. Kung hindi tayo nakikipagbuno rito, maging mapagpasalamat tayo sa Diyos para sa kakayahang makatulong sa ibang dumaraan sa mahirap na panahong ito.
  • Lumago sa espirituwal. Ang pagbabasa ng Biblia, pagdalo sa iglesya, at pakikipagtipon sa ibang mga tagasunod ni Jesus ay ipinagbabawal sa ilang dako ng mundo, ngunit maraming taong isinasapalaran ang kanilang kaligtasan magawa lang ang mga ito. Kung ikaw ay may kalayaang sumunod kay Jesus at maibahagi Siya sa mga nakapaligid sa'yo, maging mapagpasalamat para sa dakilang regalong ito!

Sa buhay na ito, marami tayong mararanasang problema sa kalusugan. Ang ilang panahon ay magiging mas mahirap kaysa iba. Anuman ang iyong kinakaharap sa mga aspetong espirituwal, mental, emosyonal, o pisikal na kalusugan, simulan ang bawat araw kasama ng Mga Awit 118:24 RTPV05, na nagsasabi ng, “O kahanga-hangang araw na itong si Yahweh ang nagbigay, tayo ay magalak, ating ipagdiwang!” 

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

How to Be Grateful for Your Life

Sa kabuuan ng Biblia, tinatawagan tayong maging "mapagpasalamat" at "Siya'y pasalamatan." Bakit? Dahil napakarami nating dahilan upang maging mapagpasalamat! Hindi tayo magiging mapagpasalamat nang hindi sinasadya, at bagkus nang may sadyang kagawian ng pagpapasalamat, mas mapaglilinang ang ating mga sarili habang sumusunod tayo kay Jesus.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay nilikha at ibinigay ng YouVersion