Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paano Maging Mapagpasalamat Para sa Iyong BuhayHalimbawa

How to Be Grateful for Your Life

ARAW 2 NG 5

Mga Relasyon

Ang pakikipag-ugnay sa iba ang tibok ng puso ng ating buhay. Madalang na sa isang maghapon ay hindi tayo makipag-ugnay sa ibang tao sa iba't ibang katungkulan natin. Tayo'y mga anak na babae, mga anak na lalaki, mga ina, mga ama, mga kapatid na babae, mga kapatid na lalaki, mga kaibigan, at iba pa. Habang iniisip natin ang iba't ibang katungkulan na mayroon tayo, konsiderahin natin ang ating antas ng pagiging mapagpasalamat. Mapagpasalamat ba tayo para sa mga taong inilagay ng Diyos sa ating buhay? Nagpapahayag ba tayo ng pasasalamat sa (at para sa) kanila? 

Maaaring ikaw ay nasa buhay mag-asawa na nananamlay na. Maaaring may tensyon sa inyo ng isang matagal nang kaibigan. O posible din, nararamdaman mo ang masyadong stress sa pagitan mo at ng anak mo. May tensyon man o wala, may malinaw tayong mga tagubilin sa Mga Taga-Roma 12 patungkol sa kung paano dapat tratuhin ang iba: magmahalan kayo bilang tunay na magkakapatid, pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo, patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar, at makisama kayo nang mapayapa sa lahat ng tao, ang ilan sa mga ito. Habang natututunan nating maging mapagpasalamat para sa mga tao sa buhay natin, heto pa ang ilang mungkahi na makakatulong sa atin: 

  • Palitan ang mga reklamo ng mga papuri. Maari itong maging hamon, di ba? Mas likas sa ating makita ang mga bagay na nakakadismaya imbes na mga bagay na nagpapala sa atin. Piliin nating makita ang mabuti! 
  • Paglingkuran ang iba. May isang tao sa buhay mo na may pasaning mas mabigat kaysa sa dala mo. Magpakita ng pasasalamat sa pamamagitan ng paggawa ng bagay na makakapagpagaan ng kanilang pasanin.
  • Isulat ito. Magsulat ng bagay na ipinagpapasalamat mo tungkol sa mga tao sa'yong buhay. Isulat ito sa papel at iwanan sa lugar na makikita nila ito, o ituloy lang ang pagtatala ng mga ito hanggang umabot sa 50 o 100 na bagay. Isipin mo na lang ang mukha nila pag nakita nila!
  • Magsabi lang ng “salamat.” Kapag may mga mata tayo na nakakakita ng mga kaloob at pagpapala sa ating mga buhay, makikita nating napakarami nating maaaring ipagpasalamat. Kaya't, araw-araw magpasalamat sa'yong asawa, sa'yong anak, sa'yong pinakamatalik na kaibigan, o kaninuman para sa isang bagay.

May nagsabi na pinakanahahawig tayo sa mga taong pinakamatagal nating nakakasama. Kung sino ang pinapayagan nating pinakamalapit nating nakakasama ay may epekto sa ating antas ng pagiging mapagpasalamat. Pakaingatan kung sino ang palaging nakakasama mo. Isa pa sa mga hamon sa ating mga relasyon ay ang maaaring handa tayong magbago, ngunit ang iba ay hindi. Kung minsan ang ibig sabihin nito ay kailangang may baguhin sa ating mga relasyon. 

Sinuman ang nasa ating buhay, hindi natin maaaring pabayaan ang ating tungkulin sa ating paglago sa pagiging mapagpasalamat. Tulad ng nakasaad sa Mga Taga-Galacia 6:9 RTPV05, “Kaya't huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo magsasawa.” Habang nagpapahayag tayo ng ating pasasalamat para sa—at sa—mga tao sa ating buhay, mapupuspos tayo sa kung paanong mababago tayo nito, at sa proseso, masasaksihan natin kung paano ito magkakaroon ng epekto sa kanila. 

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

How to Be Grateful for Your Life

Sa kabuuan ng Biblia, tinatawagan tayong maging "mapagpasalamat" at "Siya'y pasalamatan." Bakit? Dahil napakarami nating dahilan upang maging mapagpasalamat! Hindi tayo magiging mapagpasalamat nang hindi sinasadya, at bagkus nang may sadyang kagawian ng pagpapasalamat, mas mapaglilinang ang ating mga sarili habang sumusunod tayo kay Jesus.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay nilikha at ibinigay ng YouVersion