Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paano Maging Mapagpasalamat Para sa Iyong BuhayHalimbawa

How to Be Grateful for Your Life

ARAW 4 NG 5

Karera

Noong nilikha ng Diyos si Adan, binigyan Niya ito ng trabaho. Sinasabi sa atin ng Genesis 2:15 (RTPV05) na inilagay ng Diyos si Adan sa halamanan ng Eden upang“ito'y pagyamanin at pangalagaan.” Kaya't, ang trabaho ay narito na mula pa sa simula ng panahon! 

Lahat tayo ay may trabahong ginagawa. Bago tayo may kakayahang kumita ng suweldo, maaari tayong magtrabaho sa eskuwela o umatupag ng mga gawaing bahay. Pag sapat na tayong gulang, nakakapasok na tayo sa unang trabaho at natatamo ang panibagong paggalang sa sarili sa pagtanggap ng unang suweldo. Sa karampatang gulang, hahanap tayo ng isang tungkulin o karera na nababagay sa atin, ito man ay sa kabuuang-oras na pangangalaga sa ating mga pamilya sa bahay. 

Anuman ang mga katangian ng “karera” ng bawat isa, may pagkakataon tayong maisapamuhay ang isang buhay ng pagpapasalamat para sa kung paano tayo dinala ng Diyos sa ating kinalalagyan. Heto ang ilang mga paraan na maging mapagpasalamat para sa trabahong ibinigay ng Diyos na gawin natin:

  • Palitan ang iyong pananaw. Kahit hindi ka masaya sa iyong kasalukuyang trabaho, magpasalamat sa kakayahang makapagtrabaho (o makapanatili sa bahay kasama ng iyong pamilya), at mag-ukol ng oras na maipanalangin ang mga nahihirapan dahil sa kawalan ng trabaho.. 
  • May kinikita ka.  Anuman ang taas ng iyong kinikita, maaari mong pasalamatan ang Diyos para sa Kanyang probisyon sa'yong buhay. Maaari kang maging mapagpasalamat para sa kung ano ang mayroon ka, imbes na tumuon sa kung ano ang wala ka.  
  • Ilista ang mga nagugustuhan mo. Ang bawat trabaho ay may mga bagay na nagugustuhan natin. Maaaring ito'y mga benepisyong pang-kalusugan o pang-retiro, o maaaring ito'y isang pagkakaibigang namuo sa pagtatrabaho doon. Ang pagtuon sa mabuti ay magpapalakas sa iyong puso tungo sa pagiging mapagpasalamat.

Sa pagtalakay natin patungkol sa trabaho, maaaring may mga trabaho tayong naghahatid ng higit na stress kaysa nais sana natin. Maaaring ang ilan sa atin aywalang trabaho sa kasalukuyan. Gayon pa man, maaari nating ipatupad ang Mga Taga-Colosas 3:17 RTPV05 bilang gabay sa buhay-trabaho natin, at sinasabi nito ang, “At anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.” Kapag isinaayos natin ang ating pananaw at nakita ang pagpapalang mayroon tayo sa pagkakaroon ng trabaho o tungkulin bilang kabuuang-oras na nangangalaga ng pamilya sa bahay, ang pagtamasa natin sa ating buhay-trabaho ay lubos na madadagdagan.  

Ikaw man ay nahihrapang maghanap ng trabaho o kuntento na kung nasaan ka, palaging tandaan na ikaw ay nagtatrabaho para muna sa Diyos. Gawin ang bawat gawain, responsibilidad, at tungkulin sa pangalan Niya, at palagi Siyang pasalamatan para sa kakayahang gawin ito.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

How to Be Grateful for Your Life

Sa kabuuan ng Biblia, tinatawagan tayong maging "mapagpasalamat" at "Siya'y pasalamatan." Bakit? Dahil napakarami nating dahilan upang maging mapagpasalamat! Hindi tayo magiging mapagpasalamat nang hindi sinasadya, at bagkus nang may sadyang kagawian ng pagpapasalamat, mas mapaglilinang ang ating mga sarili habang sumusunod tayo kay Jesus.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay nilikha at ibinigay ng YouVersion